Biyernes, Hulyo 21, 2023

Talumpati Bilang Panauhing Tagapagsalita sa Moving Up Ceremony ng Magsikap National Vocational High School (July 12, 2023)

             Sa ating/ Superbisor sa Programang Edukasyong English/ Dr. Adelardo I. Malaluan, sa ating/ Pandistritong Superbisor/ ng mga Pampublikong Paaralan/ Dr. Cecil V. Jose, sa ating/ Punong-guro (II) dalawa/ Ginoong Eldon G. Tendan, sa ating Punong Barangay/ Kagalang-galang Maria Rona P. San Juan,  sa ating PTA G./Bb. Tessi Cerame, sa mga gurong naririto,/ sa mga magulang/ at sa mga magsisipag-angat ng baitang,/ isang mapagpalang umaga sa ating lahat.

            Bago tayo magsimula/ ay inaanyayahan ko lahat ng mga magsisipag-angat ng baitang/ na tumayo at sabay-sabay nating parangalan/ ang mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay./ Kung natatanaw  n’yo ang inyong mga magulang/ at mga guro,/ humarap kayo sa kanila/ tingnan n’yo ang kanilang mga mukha,/ kumaway kayo/ at bigyan sila ng isang matamis na ngiti/ at masigabong palakpakan./ Dahil kung hindi sa kanila/ ay wala tayo rito upang magdiwang sa isang nakapahalagang araw na ito sa inyong buhay. (Maaari na tayong umupo)

            Isang napakalaking karangalan/ ang maimbitahan sa espesyal na araw na ito kasama kayo./ Pagkatanggap ko ng liham imbitasyon,/ nakasaad doon na magbibigay ako ng isang mensahe ng inspirasyon./ Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib./ Ito na nga pala/ ang ikalawang pagkakataon/ na ako ay magsasalita sa mismong entabladong kinatatayuan ko noon/ labing isang (11) taon na ang nakalilipas./ Masaya/ dahil nanariwa muli sa aking isip/ ang masasayang karanasan ko/ sa paaralang ito./ Ang pagtatanim ng limang puno sa likod ng paaralan kada bago eksam. Ewan kung may nabuhay ni isa sa mga ‘yon/ dahil hindi pipirmahan ng SSG ang iyong clearance. Ang pagsakay sa jeep na pauwing Calintaan/ sa  pagpasok sa paaralan/ tapos ang bayad ay piso lang./ Ang pagtalok sa kapirasong lupa ng paaralan/ dahil required sa TLE subject./ Ang paaralang naging bahagi ng paglago ko bilang isang tao/ at humubog sa kung saan ako ngayon.

            Palasak na kung ikukwento ng mga panauhing tagapagsalita/ ang kanilang naging buhay subalit hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito upang ibahagi sa inyo ang lahat ng pinagdaan ko. Subalit hindi naging madali ang lahat/ bago ko narating kung saan ako ngayon./ Habang nag-aaral ako ng elementarya at sekondarya/ ay kinakailangan kong managraw o mamulot ng palay sa ibabaw ng tirik na araw/ noong hindi pa uso ang harvester/ at manalukan para magkaroon ng malaking baon sa eskwela/ gaya ng isang tipikal na kabataan na hindi namulat sa marangyang pamumuhay./ Na hindi rin naranasan ng karamihan sa inyo. Naalala ko pa noon na kailangan kong tumulong sa nanay ni Sir Mokong/ na si Ate Bani/ sa pagtitinda ng pancake na may star margarin/ at binudburan ng asukal sa ibabaw upang sa ganoon /ay mabahaginan ako ng konteng halaga upang ipambili ko ng sarili kong meryenda/ o kung minsan ay mismong tinda pa niya./ Sabi ng tatay ko noon/ tama na ang makapagtapos ka ng sekondarya./ Subalit hindi ako nagpapigil aking ambisyon./ Bilang isang SK Kagawad ng mga panahon na ‘yon/ ay ginamit ko ang aking pribiliheyo/ para sa isang iskolarsyip/ at pumipila sa halagang tatlong libo ni Congressman Nene/ na madalas ay mahaba pa ang mensahe ng mga politiko/ kung kaya’t aabutin ka na ng gutom sa haba ng pila/ para lang may pambayad sa matrikula./ Salamat sa tatlong libo dahil nai-survive ko ang kolehiyo/ kahit papaano. Tanda ko pa,/ nagsimula ang aking allowance/ sa halagang tatlong daang piso/ sa mga unang taon ko sa kolehiyo./ Kailangan kong maghigpit ng sinturon./ Ipinagkasya ko ang halagang ito para sa photocopy,/ pang-ulam/ at pamasahe na/ noon ang klase ay nasa Labangan pa. Sa halagang tatlong daan ng mga panahon na ‘yon/ ay marami ka pang mabibili.  May pagkakataon pa/ na bumibili na lang ako ng siomai na tatlo sampu sa plasa ng San Jose/ para pang-ulam sa gabi/ at madalas/ itlog at noodles na may halong malunggay na kinuha sa bakuran ng kalapit boarding house ay sapat na./ In short diet is life./ Gusto kong kunin ang pagkakataong ito upang ialaay ang talumpating ito sa lola ni Ma’am Marian na malaki ang naging parte sa aking tagumpay. Hindi ako ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig/ kaya’t ipinamulat sa akin ng mundo  sa murang edad ang dapat kong matutuhan/ at dahil sa mga karanasang ito/ ay naging mas matibay ako/ at naging maalab ang aking pagnanais na magtagumpay sa buhay./ Hindi sa ayaw ko ng gawin ang nakagawian/ bagkus gusto kong mabago ang takbo ng buhay ko.

            Ee bakit malungkot ang beshy ko?  Dahil ang iba sa inyo ay aalis at mag-aaral sa ibang paaralan at ang iba naman ay mananatili. Kakabit ng pagsasara ng isang kabanata ay pagsisimula ng mas maganda at  panibagong yugto ng inyong pag-aaral. Sa inyong pag-angat ng baitang/ baoin n’yo ang mahahalagang bilin na subok ko na/ sa paglipas ng mga taon.

Una,  Magtakda ng malinaw na layunin. Dapat alam mo kung ano ang gusto mong marating sa buhay. Ang pagkakaroon ng malinaw na layunin ay magbibigay sa iyo ng direksyon at motibasyon. Kung mangagarap kayo, gawin ninyong detalyado ang pangarap ‘nyo. Panagarap ko dati na kumuha ng kursong Bachelor of Arts in Communication o hindi kaya ay Bachelor of Arts in Political Science at dahil sa walang kakayahan ang aking magulang na pag-aralin ako sa kursong ninanais ko at walang kursong gaya nito sa ating probinsya ay kinuha ko ang kurso ng Pagtuturo. Ito ay dahil na rin sa impluwensiya ng aking mga guro/ na naririto sa inyong harapan. Kaya nga rest in peace sa mga kursong gusto natin/ na hindi natin naituloy. Kaya kung kayo ay may pagkakataon na ipagpatuloy ang kursong gusto n’yo pagkatapos ng inyong Senior High School/ ay pagbutihan n’yo. Kung gusto maging pulis, dapat ngayon pa lang ang asal at kilos mo ay gaya na rin ng isang pulis. Kung gusto mong maging guro, dapat ang iyong tinatahak na daan ay patungo sa pagiging guro. Everything is a matter of mindset. 

Pangalawa, Kumilos ka. Huwag hintayin ang perpektong sandali upang magsimulang kumilos patungo sa iyong pangarap. Simulan sa paggawa ng maliliit na hakbang/ tungo sa pag-abot nito. Sabi nga don’t prepare, begin. Ang pagpapatuloy mo sa Senior high school ay isang malaking hakbang tungo sa pag-abot ng iyong mga panagarap.

Pangatlo, Maging matiyaga. Hindi nakukuha ang pangarap sa isang upuan lang. Gaya ng isang caterpillar/ na matagal na nanatili sa kanyang cocon mula 5 (lima) hanggang 21 (dalawamput isang araw) at kung minsan ay umaabot pa ng (3) tatlong taon bago maging isang magandang paruparo. Panatilihin ang pokus sa layunin sa kabila ng mga pagsubok na nararanasan. Panatilin ang positibong pag-iisip. Padayon lang. Naniniwala pa rin ako sa mga gasgas na mga kasabihan na “kapag may tiyaga ay may nilaga” at “today is sacrifice and tomorrow is paradise”.

            Sa nagdaang mga linggo,/ naging usap-usapan ang isang facebook post/ kung ano nga ba ang mas mahalaga? Diploma o diskarte? Kayo ang tatanungin ko./ Anong mas mahalaga?/ Diploma/ o diskarte?

            Tama si Kuya Renan/ na isang personal blogger/ na lagi niyang sinasabi na tapusin n’yo ang inyong pag-aaral, kumuha ng diploma at dumiskarte para makahanap ng trabaho kaya nga sabi ng dating Senador Bam Aquino “Ang edukasyon ay susi/ para sa isang magandang kinabukasan.” Dagdag pa when Padre Jose Burgos once said: "Mag-aral kayo./ Pakinabangan ninyo ang mga paaralan ng bayan/ hanggang sa kung saan ang mabibigay ng mga ito./ Laging maging Pilipino,/ isang edukadong Pilipino."/ at sa isang facebook post ni Kuya Dyek/ para balang araw/ ‘yong kwento mo na rin/ ang kwentong pakikinggan./ Huwag mong hayaang tagapakinig/ at tagapalakpak ka lang./ May kwento ka/ at dahil sa’yo/ at sa tapang mo,/ magpapatuloy rin ang iba. Kaya alang-alang sa maganda mong istorya,/ magpatuloy ka.

            Muli/ isang maligayang pagbati sa inyong pag-angat ng baitang. Piliin lagi ang tama/ at katotohanan. Maging progresibo’t/ magkaroon ng kritikal na pag-iisip/ upang makapag-ambag ng pagbabago sa lipunan./ Palayain ang isip/ at kamalayan/ at maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan.

Huwebes, Hunyo 25, 2020

Isang Komparatibong Pag-aaral ng Wikang Kapampangan at ng Wikang Tagalog Pokus: Panghalip, Panlapi, at Pagtanaw sa Mundo

KABANATA I
SULIRANIN AT SANLIGAN NITO
Panimula
            Matagal ding panahon ang ating ipinaghintay at ipinagtiis bago isilang ang isang wikang pambansang magbibigay-tatak ng ating pagkakakilanlan. Hindi madali ang pinagdaanan kung babagtasin sa pahina ng kasaysayan ang mga pangyayari. Ang bunga ng ng hindi mabuwag na diwa ng kolonyalismo ay naging isang malaking sagwil upang maitaguyod ang isang pangkalahatang wikang magbibigkas tungo sa ating iisang layunin at mithiin kung kaya’t si Pangulong Manuel Luis Molina Quezon na ama ng wikang pambansa ay hindi nagdalawang-isip upang matugunan ang isa sa mga pangangailangan sa pagkakaroon ng isang wikang panlahat upang ang mga Pilipino ay hindi magmukhang aba sa mata ng ibang lahi. Sa panahon ng kanyang panunungkulan binalangkas niya ang mga sumusunod na kautusan at batas gaya ng nasasaad sa Artikulo 14, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1935 na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika kaya’t itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa na siyang mangangasiwa sa gagawing pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan. Dito pumasok ang Kapampangan bilang isa sa mga pangunahing wika sa Pilipinas.
            Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o “Kapampangan”. Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wika ginagamit sa Pampanga. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampan͠gan/Capampañgan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso). Ang salitang “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan). Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika bago dumating ang mga Espanyol noong ika-16 siglo.
Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan. Ang Kapampangan ay isang Wikang Hilagang Pilipinas sa loob ng pamilyang Awstronesyo. Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga wikang Sambal sa Zambales at ang Wikang Bolinao sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. Ang Kapampangan ay pangunahing ginagamit sa mga lalawigan ng Pampanga, at sa mga bayang nasa katimugan ng Tarlac (BambanCapasConcepcionSan JoseGeronaLa Paz, at Lungsod ng Tarlac). Ginagamit din ang naturang wika sa mga piling lugar sa mga lalawigan ng Bataan (AbucayDinalupihanHermosa, at Samal), Nueva EcijaBulacan, at Kalakhang Maynila.
Dagdag pa rito, noong 1571, napag-alaman ng mga Español na ang palapantigan ng wikang ito ay maaring iugat sa wikang Devangari . Ito ay may sariling ortograpiya at alpabeto. Kapansin-pansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong 1896, nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto Pampango” na isinulat ni Alvaro de Benavante.  Sa kasalukuyan, karamihan ng mga taong nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan .
Paglalahad ng Suliranin      
            Ang pag-aaral na ito ay may titulong Isang Komparatibong Pag-aaral ng Wikang Kapampangan at ng Wikang Tagalog. Ang pananaliksik na ito ay inaasahang masasagot ang sumusunod na tanong:
  1. Saan nagmula ang Wikang Kapampangan at Wikang Tagalog? 
  2. Ano ang kalikasan ng Wikang Kapampangan?
  3. Ilang letra ang bumubo sa Alpabetong Kapampangan at Tagalog?
  4. Ano-ano ang mga pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Kapampangan at Tagalog sa aspeto ng panghalip at panlapi?
Layunin ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral na ito ay may titulong Isang Komparatibong Pag-aaral ng Wikang Kapampangan at ng Wikang Tagalo ay naglalahad ng layuning:
            Ipaalam ang kalikasan ng Wikang Kapampangan at Wikang Tagalog sa mga nagpapakadalubhasa sa Filipino at upang magkaroon ng karagdagang kaalaman sa pagkakatulad at pagkakaiba ng Wikang Kapampangan at ng Wikang Tagalog.
Kahalagahan ng Pag-aaral
            Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
            Sa mga mag-aaral, ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubusang maunawaan pa ang kalikasan at katangian ng Wikang Kapampangan at Wikang Tagalog.
                Para sa mga guro, magiging sanligan ito para sa pagtuturo ng Wikang Kapampangan at Wikang Tagalog nang mahusay. Magiging isang materyales ito para maituro nang akma at tama ang ilang mga piling paksa kaugnay ng wika. Malaki ang maiaambag ng pag-aaral na ito sapagkat mas huhusay ang pagtuturo ng guro sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Kapampangan-Tagalog na makatutugon sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
            Sa mga susunod na mananaliksik.  Ang pananaliksik na ito ay malaki ang maitutulong sa mga susunod na mananaliksik sapagkat magiging gabay nila ito sa pag-aaral ng kaugnay na kaso.  Malaki ang maiaambag nito sa pangangalap nila ng datos at dagdag na kaalaman.
Haypotesis
            Ipinalalagay ng mga mananaliksik na walang pagkakaiba at pagkakatulad ang wikang Kapampangan at Tagalog.
Balangkas Teoritikal
            Gagamitin sa saliksik na ito ang teorya ni Wilhelm von Humboldt na language as a worldview. Kalaunan, sususugan ito ng theory of linguistic relativity nina Edward Sapir at Benjamin Lee-Whorf, na mas kilala bilang Sapir-Whorf Hypothesis. Ipinapaliwanag ng teorya na ang bawat wika, may taglay na kani-kaniyang pagtanaw sa mundo. Mamamalas ito sa pagkakaibaiba ng mga salita, semantika, at balarila ng mga wika.
Katuturan ng mga Termino
            Minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa paraan ng pagkakagamit sa pananaliksik.  Makatutulong ito sa ganap na pag-unawa ng mambabasa sa mga salitang tinalakay.
            Tagalog– ang wika sa Bulacan, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, Cavite, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Nueva Ecija, Puerto Prinsesa at pati Metro Manila. Isang partikular na wikang sinasalita ng isa sa mga etnolinggwistikong grupo sa bansa.
            Kapampangan– ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wikang ginagamit sa Pampanga. Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango, Capampangan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso). Ang salitang “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing – ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan).
            Wika– ang tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan ng tao.

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
            Ang bahaging ito ng pag-aaral ay tumatalakay sa kaugnay na literatura at pag-aaral na naisagawa na. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng iba’t ibang aklat tesis, at iba pang babasahin upang matamo ang ibayong kaalaman at pagkaunawa tungkol sa paksa sapagkat naniniwala ang may akda na magiging mabisa ang pananaliksik kung may iba’t ibang babasahin, aklat, dyornal, mga limbag at hindi limbag na tesis, maging sa paggamit ng midyang sosyal bilang pagpapatunay sa isinagawang pag-aaral.
            Mayaman at matatag ang etnolinggwistikang kultura at mga wika na nakapayong sa pambansang hangarin sa pagkabansa.  Walang buhay ang wika kung hindi nito binibigyang buhay ang diskurso at kultura ng bansa.  Ito ay nagpapakita na may malaking gampanin ang wika sa larangan ng kultura at pagkabansa upang mabigyang halaga ng mga mag-aaral ng iba’t ibang wika na gingamit sa ating bansa (Elizabeth Morales Nuncio at Rhod Nuncio.2009).
            Ang Tagalog ay katutubo sa rehiyon ng Katagalugan ng bansa, na kung tutuusin ay ang binubuo ng kabisera ng bansa, ang Maynila, at ang 10 katabi nitong mga lalawigan sa kalagitnaan hanggang katimugang bahagi ng isla ng Luzon kasama ang ilang mga bahagi ng mga isla ng Marinduque at Mindoro.
                Kilalala rin sa payak na pangalang Tagalog, ay isa sa mga pangunahing wika ng Republika ng Pilipinas at sinasabing ito ang de facto (“sa katunayan”) ngunit hindi de jure (“sa batas”) na batayan na siyang pambansang wikang Filipino (mula 1961 hanggang 1987: Pilipino). Sinasalita rin ito saHilagang Kapuluang Mariana, kung saan ang mga Pilipino ang pinakamalaking pangkat etnolingwistiko. Bilang isang pangunahing wika sa Pilipinas, ang karaniwan at pamantayang anyo nito ang pangunahing wika sa pambansang telebisyon at radyo, bagaman halos nasa Ingles ang buong kayarian ng mga pahayagan. Bilang Filipino, kasama ng Ingles, isa ang Tagalog sa kasamang-opisyal at tanging pambansang wika sa Pilipinas. Malawak na ginagamit ang Tagalog bilang lingua franca o “tunay na wika” sa buong bansa, at sa mga pamayanang Pilipino nasa labas ng Pilipinas. Subalit, habang kalat ang Tagalog sa maraming mga larangan, higit na laganap ang Ingles, sa iba’t ibang antas ng katatasan, sa mga larangan ng pamahalaan at kalakalan. Tinatawag na mananagalog o mananalita ang isang may mataas, may kahusayan, at kaalaman sa pananagalog.
Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang “katutubo ng” na idinagdag sa harap ng salitang ilog o “Naloy”(Tagal), kaya’t may ibig sabihing “mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig.” Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangangKabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.
Ang Tagalog, na kasama sa bokabularyong Austronesian ay pangunahing binubuo ng mga salitang may pinagmulang Austronesian na may ilang mga hiniram mula sa Espanyol, Min Nan/Hokkien Chinese, Malay, Sanskrit, Arabic, Tamil, Persian, Kapampangan, mga wikang sinasalita sa Luzon, at iba pa, lalo na ang iba pang mga wikang Austronesian.
Sa kabilang banda, ang wikang “Filipino” ay ang pangalan ng opisyal na wika ng Pilipinas, ang ang opisyal na wikang ito ay ibinatay sa Tagalog.
Marami pang ibang mga wikang sinasalita sa Pilipinas (tulad ng Cebuano, Ilokano, Ilonggo) ngunit nang magpasya ang pamahalaan ng Pilipinas na pumili ng isang opisyal na wika para sa bansa, pinili nila ang Tagalog upang maging siyang basehan para sa opisyal na wika na iyon (na siya namang nakilala bilang Filipino).
Ang Surian ng Wikang Pambansa (“National Language Institute”, na ngayon ay kilala na bilang Komisyon ng Wikang Filipino) ay inatasan para sa gawaing ito. Ang unang direktor ng Surian na si Jaime de Veyra ang siyang kinikilala bilang nagpanukala ng Tagalog na maging basehan para sa wikang pambansa. Noong Nobyembre 13, 1936, pinili ng Surian ng Wikang Pambansa ang Tagalog upang maging basehan ng wikang pambansa, at ang mga pangunahing dahilan ay ang pagiging laganap nito sa pananalita at sa mga akdang nakasulat, at pati na rin sa pagiging siyang wikang ginagamit sa kabisera ng bansa, ang Maynila.
Pagkatapos ay inilathala ng Surian noong 1940 ang isang opisyal na balarila ang diksyunaryo, ang Balarila ng Wikang Pambansa (“Grammar of the National Language”) na isinulat ni Lope K. Santos, at ang “Tagalog-English Vocabulary”.
Sa praktikal na punto-de-bista, ang pangunahing pagkakaiba ay ang Tagalog ay mas hindi gaanong nababago (sapagkat matatag ang pagkakatanim nito sa mga pinagmulan nitong lugar kung saan ito ay sinasalita nang walang gaanong pagbabago) habang ang Filipino naman ay mas mapag-angkop sapagkat mas bukas-loob ito sa mga impluwensyang matatagpuan hindi lamang sa loob ng bansa (ibig sabihin sa mga hindi nagsasalita ng Tagalog tulad ng mga Cebuano) ngunit pati na rin mula sa labas ng bansa (hal. Ingles).
Samakatuwid para sa mga paggagamitan na may kasangkot na estilo ng pagsusulat na mas moderno, natural at katanggap-tanggap ng iba’t-ibang mga tao–lalo na sa pagsasalokal—ang Filipino ay mas naaakma kaysa sa Tagalog para makamit ang layunin ng taos-pusong pakikipag-ugnay sa merkadong pang-Pilipinas at sa mga Pilipino sa kabuuan.
Ang Wikang Kapampangan ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas. Ito ang pangunahing wikang ginagamit sa Pampanga.  Ang naturang wika ay tinatawag ding Pampango,  Capampangan, Pampangueño, at Amanung Sisuan (wikang pinasuso). Ang salitang “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing – ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan).
Ang Kapampangan ay isang Wika ng Hilagang Pilipinas. Kabilang sa mga malalapit na wika ng Kapampangan ay ang mga wikang Sambal sa Zambales at ang Wikang Bolinao sa bayan ng Bolinao, Pangasinan. Ang Arte de lengua Pampanga (1699) na sinulat ni Fray Alvaro de Benavente, O.S.A. ang kauna-unahang aklat ng balarila sa wikang Kapampangan, at ang kauna-unahang masusing pag-aaral hinggil sa katutubong wika sa Filipinas.
Ang pangalang Pampanga ay ibinigay ng mga Kastila sa lalawigan dahil natagpuan nila ang mga unang naninirahan dito sa tabi ng pampang. Ang lalawigan ay nabatid ng Kastilang si Martin de Goiti noong 1571. Ang lalaking Kapampangan ay kilala sa pagiging galante at magaling mamuno habang ang babae naman ay kilala sa pagiging mahusay magluto. Ang Pampanga ay isa sa mayayamang lalawigan sa Pilipinas. Muling itinatag ito ng mga Kastila noong ika-11 ng Disyembre 1571 upang magkaroon ng kontrol ang gobyerno sa mga mamamayan nito. Hinati ang lalawigan sa mga bayan.
Ortograpiyang Kapampangan

Alpabetong Kapampangan


Ponolohiya
Malayang Nagpapalitan

PonemaSalita
i at e(ini,ine) (ding,deng)
o at u(kumusta,komusta) (nukarin,nokarin)
d at r(ring,ding)

Paglilipat ng Diin at Pagbabago ng Kahulugan

SalitaKahulugan
gálo galóto move,to change position act or process of moving
káwe kawéto swim act of one who swims

Paggamit ng /w/ at /u/
  • Para sa unang pantig ng salitang – ugat, gamitin ang /u/ sa halip na /w/
  • Kapag pinagsamang salita, gamitin ang /w/ sa halip na /u/.

SalitaKahulugan
tua matwatanda matanda
mua mimwagalit magalit

Paggamit ng /i/ at /y/
  • Para sa unang pantig ng salitang – ugat, gamitin ang /i/ sa halip na /y/
  • Kapag pinagsamang salita, gamitin ang /y/ sa halip na /i/.

SalitaKahulugan
kiak kikyakiyak umiyak
sabi sabyansabi sabihan

Diptonggo

DiptonggoSalita
aw oy uytamaraw okoy kasuy

Kambal – katinig o Klaster

KlasterSalita
tstsupun

Morpolohiya
MGA BAHAGI NG PANALITA
Kailanan ng Pangngalan

KailananSalita
FilipinoKapampangan
IsahanTunggal metung(ang ina) ing ima
DalawahanTidwa tidwa(mag-ina) minda
MaramihanTsaracal(mag-iina) mi inda inda

Panghalip

Panauhan/ KailananKaukulan
PalagyoPaukolPaari
IsahanFilipinoKapampangan FilipinoKapampangan FilipinoKapampangan 
Unaakoacukocuakincacu
Ikalawaikaw, kaica, camomuiyoqueca
Ikpatlosiyaiya  niyaniyakanyacaya
Dalawahan
Unakami, tayocami, tamu o itamunatin tanaatinquecatamu
Ikalawakayocayuninyoninyuinyoquecayu
Ikatlosilailaniladekanilacarela
Maramihan
Unakami, tayocami, tamu o itamunaming, natinmiya, tanaaminquecami
Ikalawakayocayuninyoninyuinyoquecayu
Ikatlosilailaniladekanilacarela
Salitang – ugatPerpektiboImperpektiboKontemplatiboPerpektibong Katatapos
isip isipnag-isip menisipnag-iisip mimisip  mag-iisip magmisipkaiisip kaiisip
aral aralnag-aral megaralnag-aaral magaralmag-aaral magaralkaaaral kagagaral
suri surinagsuri menurinagsusuri manurimagsusuri manunurikasusuri kasusuri

Pandiwa
Kaantasan ng Pang – uri

SalitaLantayPahambingPasukdol
maliitmalatimas malatipinakamalati
manipismaimpismas maimpispinakamaimpis
mabigatmabayatmas mabayatpinakamabayat

Pang – uring Pamilang


Pang – angkop

FilipinoKapampanganPangungusap
naneBukas na darating ang pangulo. Bukas ne datang ing pangulo.  
ngningPinagdasal ng ina ang anak. Penalangin ning ima ing anak.  
nanganyangNang umalis ang ama ay nalungkot ang lahat. Anyang meko ya ing tatang melungkut langan.  

Pang – abay na Pamanahon


Mga Panlapi

FilipinoKahuluganKapampangan
magsi-kilos na isinasagawa ng higit sa isang taomama-
nag-kilos na ginagawa ng higit sa isang aktormi-
nagpa-pagpapahiwatig na may ibang taong gumawa ng kilos para sa actormigpa-
maki-nangangahulugang gagawin ang kilos kasama ng ibamaki-
ka-pagsasalo sa isang karanasanka-
magka-pangalanan ang relasyon ng mga tao sa isa’t isamika-

Sintaksis
Di Ganap na Pangungusap

FilipinoKapampangan
Opo.Opu.
Magaling!Byasa!
Paalam na.Malaus na ku.

Parirala

FilipinoKapampangan
ay nagsiawitan  manganta la  
ang mga bayan  ding balen  
kanyang sinasalungat  kokontra nala  

Pangungusap Ayon sa Gamit



KABANATA III
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
            Sa bahaging ito ay inilalad ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik at angkop na instrumento na gagamitin sa pag-aaral. Tinutukoy rin ang pamamaraang ginamit sa pagsasagawa at paraang pagbibigay-halaga sa mga datos tungo sa pagbuo ng konklusyon.
Disenyo ng Pananaliksik at Pangangalap ng Datos
            Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang komparatib. Tinangkang ipaliwanag sa pananaliksik na ito ang pagkakatulad at pagkakaiba ng wikang Kapampangan at wikang Tagalog.
Pamamaraan ng Pagsusuri
            Kinapanayam para sa saliksik na ito ang ilang mga taal sa wikang Kapampangan. Mayroon naming dalawa para sa Kapampangan (Mexico). Ang mga salitang makikita sa datos ay mula mismo sa sariling karanasan, kaalaman, at paggamit ng mga sangguniang ito. Kukunin naman ang mga datos sa Tagalog mula mismo sa may-akda, na taal at bihasa sa kinalakhang wika.
Instrumento ng Pananaliksik
            Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pananaliksik sa iba’t ibang sanggunian gaya ng libro, magazine at limbag na materyal.  

KABANATA IV
KINALABASAN AT PAGTALAKAY
            Ipinapakita sa kabanatang ito ang lahat ng nakuhang impormasyon sa mga pag-aaral at pagsusuring isinagawa. Makikita rito ang mga paliwanag na may kasamang pag-analisa ng mga mananaliksik.
Paghahambing ng mga Panghalip
Narito ang talaan ng mga piling panghalip o pronoun sa Tagalog, kasama ng mga salin sa Kapampangan:

TAGALOGKAPAMPANGAN
kitadaka
Mahal kitaKaluguran daka.
ikawica
kayoicayu
tayoitamu
kamiicami

Kita
Tulad ng nabanggit sa panimula, ang kita ay ang pinag-isang at you. Wala itong direktang salin sa Ingles. Isa itong panghalip na ingklusibo sa unang panauhan. Sa Kapampangan, daka. Ang hindi naisalin sa Ingles, may tumpak na katumbas sa isa pang wika ng bansa. Hindi lamang basta sa wika nakadepende ang pag-iisip ng tao, kundi sa bawat ispesipikong wika (Brown, 1967). Ang bawat ispesipikong wika ay pinagmumulan ng mga ispesipikong uri ng pag-iisip. Sa gayon, malinaw sa unang halimbawa na magkaibang uri ng pag-iisip ang maaaring mahinuna kung paghahambingin ang Ingles at Tagalog. Gayumpaman, dahil sa direktang salin ng kita sa Kapampangan, maaaring ipagpalagay na magkalapit, kung hindi  man magkapareho, ang uri ng pag-iisip sa isa pang wika sa Pilipinas.
Ikaw at Kayo
Sa Tagalog, ikaw ang panghalip na pang-isahan, at kayo ang pangmaramihan. Sa Ingles, ginagamit ang you para tukuyin ang isa o higit pang tao. Ngunit ang mas kakatwa ay kung paano ginagamit sa karaniwang pangungusap ng mga Tagalog ang ikaw at kayo. Kapag nasa gitna o dulo ng pangungusap ang ikaw, nagiging ka ito. Mariringgan ang isang Tagalog ng “Kumain ka na ba?” tuwing may kausap itong kasintanda, nakababata, o kapantay ng ranggo sa lipunan. Subalit kung may isang kausap na nakatatanda o nakaangat ng estado sa lipunan, mariringgan ang Tagalog ng “Kumain na po ba kayo?” Batid na ng lahat na awtomatikong naglalagay ng po/opo sa pangungusap upang magpahiwatig ng paggalang. Gayumpaman, hindi ba maling balarila ang paggamit ng kayo kung iisang tao lang naman ang kausap? Maaaring maling balarila, subalit tama at angkop ang pangungusap sa hinihingi ng sitwasyon. Kung isang mas bata o nakabababa ang kausap, talagang mali ang paggamit ng kayo. Subalit sa halimbawang ibinigay, dapat lamang na kayo ang gamitin imbis na ikaw upang ipahiwatig ang matinding paggalang sa kausap na nakatatanda o nakatataas. Hindi lamang pang-isa kundi pangmaraming tao ang ibinibigay na paggalang kausap. Higit itong pagpapatindi sa paggalang na ipinaparamdam ng po sa pangungusap. Kumain na po ba kayo. Ikumpara ito sa Have you eaten. Laging ibinibida ng mga Filipino ang kanilang pagiging magalang. Itinuturing itong isa sa mga values o pagpapahalaga o pamantayang Pinoy. Hindi sa bastos ang mga Amerikano, ngunit higit na mas prayoridad ng mga Pilipino ang paggalang sa pang-araw-araw nilang pakikipag-ugnayan sa kapwa. At lumilitaw ang pamantayang ito sa pagpili ng mga pinakaangkop na salita sa bawat sitwasyon. Bahagi ito ng bokabularyong Filipino na susi sa pagdiskubre ng pagtanaw ng Pinoy sa mundo (Jocano, 1997). Ang mga pamantayang Filipino, sa kalahatan, ay binubuo ng mga di-nabuburang paniniwala at pagpapalagay na ipinapahayag sa pamamagitan ng kilos, gawi, at wika ng mga tao. Mula sa linyang ito, maaaring sabihin na magkaibang value system ang mamamalas sa ikaw/kayo ng Tagalog at you ng Ingles. Sa kabilang dako, malusog pa rin ang relasyon ng Tagalog at Kapampangan sa aspektong ito. Sa Kapampangan naman, “Mengan na cayu po?” Sa mga pagkakataong isang mas nakatatanda o nakatataas ang kausap, ang pangmaramihang anyo ng panghalip (kamo/cayu) ang ginagamit.
Tayo at Kami
Sa Ingles, we ang ginagamit para sa tayo at kami ng Tagalog. Kausap ni A si B. Sabi niya, “We are going to church.” Maaari itong magdulot ng pagkalito kung titingnan nang ganito kasimple dahil sino ang tinutukoy na we? Sina A at B ay pupuntang simbahan, o si A kasama ang iba pa liban kay B ay pupuntang simbahan? Sa Tagalog, hiwalay ang ingklusibong tayo sa eksklusibong kami. Kapag kasali ang kausap, tayo. Kapag hindi, kami. Sa mga salitang ito, masisilip kung gaano kamalay ang mga Filipino samga in-group at out-group, sa mga taong nasa loob ng pangkat at mga taong nasa labas (Enriquez, 1989). At para maging malay sa loob at labas ng pangkat, kailangan munang maging malay sa mismong pagkakaroon ng pangkat. Malinaw sa mga Filipino ang linyang nasa naghihiwalay sa hindiibang-tao sa ibang-tao. Sa likas at patuloy na pakikipag-ugnayan ng Filipino sa kapwa, nalulusaw ang harang sa pagitan ng sarili ng mga taong bahagi ng kinabibilangan niyang maliit na pangkat. Madali itong makita sa pinakasaligang yunit panlipunan, ang pamilya. Ang bawat isa sa pamilya ay hindi-ibang-tao sa ego. Habang lumalaki ang sakop ng mga relasyon, maging mga hindi kadugo ay naituturing na hindi-ibang-tao, bahagi ng tayo. Dahil sa kamalayang ito, kagyat ding ipinapanganak ang kamalayan sa mga ibang-tao o nasa labas ng malapit na pangkat. At sa harap ng mga tagalabas na ito,ang tayo ay nagiging kami, isang eksklusibong entidad. Umiiral ang hiwalayang ito sa panghalip na tayo at kami. Isang susog na naman ito sa pagtingin ng mundo ng Tagalog na iba sa Ingles. Kung titingnan naman ang Kapampangan, mayroon din itong direktang salin para sa naturang mga salita. Ang itamu sa Kapampangan. Ang kami ay icami sa Kapampangan. Wala ring pagkakaiba sa paggamit ng mga salitang ito sa pangungusap at iba’t ibang mga sitwasyon. Sa mga paunang datos na ito patungkol sa mga panghalip, agad na makikitaan ng malaking pagkakaiba ang Tagalog sa Ingles, na pinagkaparehonaman nito sa Kapampangan. Ngayon, dumako naman tayo sa “puso” ng mga wika sa Pilipinas, ang mga panlapi.
Paghahambing ng mga Panlapi
Narito ang mga piling panlapi. Naka-bold ang mga panlapi at naka-bracket naman ang mga salitang-ugat.

TAGALOGKAPAMPANGAN
magsiuwi (uwi)mamanuli (muli)
nag-iyakanmigaga (gaga)
nagsiiyakanmigaga
nagsipag-iyakmigaga
nagsipag-iyakanmigaga
nagpagawa (gawa)migpagawa (gawa)
makikain (kain)makipanga (pangan)
kapwa (puwas) kasangga (sangga) kalaro (laro)kapara (para) kasangga (sangga) kakyalung (pyalung)
magkalaro *magkakalaromikakyalung mikakakyalung
mag-ama (ama) *mag-aamamitatang (tatang)
suntukan (suntok)Tumbukan (tumbok)
nakipag-suntukanmekipagtumbukan
Magmahalan (mahal)Mikalugud(lugud)

MAGSI-
Ang magsi- ay isang panlaping nangangahulugan ng kilos na isinagawa ng higit sa isang tao. Mas ispesipiko, ang si sa magsi-/nagsi-/mangsi-/nangsi- ang morpemang ginagawang pangmaramihan ang kilos. Gayumpaman, hindi ito agad nangangahulugan na ginawa ang kilos bilang isang grupo o yunit (Bollas & Supnet, 2013). Nakadepende ang tiyak na kahulugan nito sa konteksto ng pangungusap. Halimbawa, “Magsibangon na kayo.” Dahil utos ito, ipinagpapalagay na babangon ang mga tao nang sabaysabay at bilang isang yunit, tulad ng gustong mangyari ng nag-utos. Subalit sa ibang sitwasyon – gamitin ang pangnagdaang anyo na nagsi- “Nagsigising ang mga tao sa nayon dahil sa putukan.” Inilalarawan dito kung paano hindi lamang iisa ang gumising. Gayumpaman, hindi gumising ang mga tao bilang isang yunit kundi hiwa-hiwalay na mga indibidwal. Dagdag pa rito, hindi rin awtomatikong ginawa ang kilos nang sabaysabay. Maaaring oo, maaaring hindi. “Nagsitayo ang mga tao nang dumating ang Pangulo.” Maaaring may ilang nauna, at may ilang nahuli. Subalit hindi ito agad nangangahulugan na ginanap ang akto ng pagtayo sa iisang tiyak na punto at bilang isang yunit. Sa kabila nito, mahalagang ipagdiinan na ipinapahiwatig ng magsi- ang kilos na ginagawa ng higit sa isang tao, at wala itong direktang salin sa Ingles. Ang “The people stood up when the President arrived” ay gumamit ng stood up na maaari ding gamitin para sa isang tao lamang. Hindi tahasang maipapahayag sa Ingles ang pagkasalimuot ng panlaping magsi-; hindi ito kailanman maaaring gamitin para sa iisang tagagawa ng kilos. Sa datos naman na nakalap, makikitang may katumbas na panlapi ang magsi- ng Tagalog at Kapampangan.  Gayumpaman, tumutukoy lamang ito sa dalawang tao. Kung gagawin ang kilos ng tatlo o higit pa, “Magpuruli na kamo.” Dinagdagan ng ru sa gitna ang salitang-ugat na puli.  Sa Kapampangan naman, ang “Magsiuwi na kayo” ay “Mamanuli na cayu.” Ang katumbas ng magsi- ay mama- at ang uwi ay muli. Magsasama ang mama + muli at magkakaroon ng morpo-ponema kung kaya magiging mamanuli. Eksaktong-eksakto ito ng kahulugan sa Tagalog.
NAG-AN / NAGSI-AN / NAGSIPAG- / NAGSIPAG-AN
Ayon kina Bollas at Supnet (2013), ginagamit din ang -an para sa mga kilos na ginagawa ng higit sa isang aktor. Bukod pa rito, maaari din itong mangahulugan na kilos na kagyat isinagawa bilang reaksiyon sa isang naunang sitwasyon. Kapag sinabing “Nagtakbuhan kami sa takot,” nangangahulugan ito na higit sa isa ang tumakbo at may kagaganap lamang na nagbunsod ng agaran nilang pagtatakbuhan. Ganito rin ang sitwasyon sa “Nag-iyakan ang mga tao sa panonood ng Magnifico.” Sa Kapampangan naman, ito ay migaga, na para sa dalawa, tatlo, o higit pang tao. Ang nag-an ng Tagalog ay mi- sa Kapampangan. Dagdag sa paliwanag nina Bollas at Supnet, nagpapahiwatig din ang morpemang -an ng resiprosidad o reciprocity. Maaaring mangahulugan ang kilos na may -an na pinagsasaluhan ng mga aktor ang kilos, o idinidirekta nila ang kilos sa isa’t isa. Halimbawa, nangangahulugan ang “Nag-iyakan kami ng nanay ko nang inamin kong buntis ako” na sabay at pinagsasaluhan nila ang dalamhati ng pag-iyak. Kung iguguhit sa ating isip, makakikita tayo ng larawan ng nagyayakapang mag-ina. Hindi lamang sabay at magkasama ang pag-iyak nila, umiiyak ang ina para sa anak at umiiyak ang anak para sa ina. Ang ganitong gamit ng -an sa Tagalog ay umiiral din sa Kapampangan. Pinaghalo naman ang gamit ng si- at -an sa nagsi-an. Nangangahulugan ang nagsiiyakan na ginawa ito ng higit sa isang aktor, na hindi awtomatikong sabay-sabay at bilang isang yunit; ginawa bilang kagyat na reaksiyon bunsod ng isang katatapos lamang na sitwasyon; at maaaring nagpapahiwatig ng resiprosidad. Sa pagkakataong ito, ang nagsiiyakan ng Tagalog ay migaga sa Kapampangan. Kung babalikan, ang naturang mga termino sa Kapampangan ay siya ringkatumbas ng nag-iyakan ng Tagalog. Lumilitaw sa pagkakataong ito na mas tiyak na ipinahahayag sa Tagalog ang mga nabanggit na maliliit na pagkakaiba sa kahulugan. Ayon sa mga sinangguni para sa Kapampangan, saklaw pa rin ng kahulugan ng migaga ang parehong nagiyakan at nagsiiyakan. Ang larawang maipipinta mula sa mga Tagalog na salitang ito ay kapareho rin ng kayang maipinta mula sa ibinigay na katumbas sa Kapampangan, kahit na higit na nagpakita ng kasalimuotan ang mga panlaping Tagalog sa pagkakataong ito. Huli, idadagdag ng morpemang -pag- sa kahulugan ng salita ang tiyak na pagsasagawa ng kilos bilang isang yunit (Bollas & Supnet, 2013). Kung may alinlangan sa pagkilos bilang isang yunit sa mga salitang nag-iyakan at nagsiiyakan, tiyak na tiyak na ito sa nagsipag-iyak [nagsipag+iyak]. Lalo lang lalalim ang kahulugan nito kung gawing nagsipag-iyakan. Ang nagsipag-iyak at nagsipag-iyakan ay migaga pa rin sa at Kapampangan. Bibigyang-diin pa rin na saklaw ng mga terminong Kapampangan na ito ang yaman ng kahulugan ng nasa Tagalog, bagaman isang morpema lamang ang umiiral na katumbas. At kung ikukumpara sa Ingles, lahat ng nabanggit na panlapi sa Tagalog ay walang madali at direktang salin sa Ingles.
NAGPA-
Ginagamit ang panlaping nagpa- para ipahiwatig na may ibang taong gumawa ng kilos para sa aktor. Halimbawa, “Nagpagawa ako ng sapatos kay tatay.” Ibig sabihin nito, si tatay ang siya mismong nagpawis para gawin ang sapatos pero ako naman ang nakinabang. Napakahirap nitong ipahayag sa Ingles. Subalit sa Kapampangan ay migpagawa. Ang nagpasa Tagalog ay migpa- sa Kapampangan. Nagpapahiwatig ang lahat na may ibang gumawa ng gawain para sa benepisyo ng aktor. At anong kabalintunaan na tinatawag natin siyang actor maging sa sitwasyong ito gayong pinakibanangan lamang niya ang ginawa ng iba!
MAKI-
Kapag nilagyan ng maki- ang isang kilos, mangangahulugan na itong gagawin ang kilos kasama ng iba. “Makikain ka sa kapitbahay.” Ibig sabihin, sasama kang kumain sa pamilya sa kabilang bahay. Sila ang pinagmulan ng kilos ng pagkain at kumikilos sila bilang isang yunit. Sasali ka sa kanilang pangkat at sasama ka sa kanilang kumain bilang isang yunit. Sa Ingles, ang makikain ay “to eat with.” Malinaw na hindi kaya ng Ingles na ipahayag sa isang salita ang makikain. Eh ano naman? Maaari itong itanong ng iba. Lingid sa kaalaman nila, malaki ang epekto ng dimatumbasang panlapi na ito sa marami nating salita at sa dalumat na nililikha nito para sa mga Filipino. Ang feel at to feel ay damdam at damdamín sa Tagalog. Kung gagawing pangngalan ang feel, ito ay magiging feeling, na damdámin naman sa Tagalog. Gayunman, hindi lang damdámin ang katumbas ng feeling sa Tagalog. Ang “I have a feeling that she is mad with me” ay “May pakiramdam akong galit siya sa akin.” Hango ang pakiramdam sa maki+damdam. Kung kaya, ang pakiramdam ay to feel with. Iba ito sa feeling ng Ingles. Sa Kapampangan, maki- rin ang ginagamit na lapi para ipahiwatig ang pagsama sa iba para gawin ang kilos bilang isang yunit.
Ang makikain ay makipangan sa Kapampangan.
KA-
Ang ka- ay panlaping nangangahulugan ng pagsasalo sa isang karanasan. Kapag sinabing “Kaklase ko si Darby,” sinasabi nitong nasa iisang klase kami ni Darby. Pinagsasaluhan nila ang karanasan ng iisang klase. Kung “kabarangay ko si Darby,” nasa iisang barangay lang kami. Kung “Kalaro ko si Darby,” magkasama kami sa karanasan ng paglalaro at nasa parehong laro kami. Kalaro namin ang isa’t isa. Kung kaya bukod sa pinagsasaluhang lugar o karanasan, nangangahulugan din ang ka- ng resiprosidad. Kung kaklase ko si Darby, hindi naman maaaring kaklase ko siya pero hindi niya ako kaklase. Kung kalaro ko siya, hindi maaaring hindi niya ako ituring na kalaro. Natutumbasan sa Ingles ang ilang mga salitang may ka- gamit ang -mate. Ang kaklase ay classmatekaopisinaofficematekalaroplaymate. Subalit ang paano ang kausap, kaaway, katipan, kakampi? May salitang Ingles para sa mga ito, ngunit mayroon bang gumagamit ng -mate? Tulad ng halimbawa sa pakiramdam, nagiging mahalaga ang kawalan ng tumbasan kapag pinag-usapan na ang mas malalalim na mga salita. Ang kapwa ng Tagalog ay fellow other sa Ingles. Depende sa pangungusap, ang kapwa ay isinasalin bilang fellow other. Subalit kung susuriin ang salitang kapwa, magkasanib dito ang fellow at other (Enriquez, 1989). Ang lahat ng
tao, mapa-fellow man o other ay kapwa sa atin. Mahihinuhang hango ang kapwa sa ka+puwas; nangangahulugan ng puwas ng pagsisindi ng apoy gamit ang pagkikiskis ng bato. Sa madaling sabi, ang konsepto ng Filipino ng kapwa ay taong kasama nito sa karanasan ng paglikha ng apoy, na siyang pinagmumulan ng kanilang buhay. Ang kapwa, kung gayon, ay bahagi ng komyunal na pagsisikap para mabuhay, nagtutulungan ang bawat isa sa paglikha ng apoy para mabuhay. Dagdag pa, dahil sa resiprosidad ng ka-, ang sarili ay maituturing din na kapwa; hindi ito labas sa kapwa. Sa kalahatan, ang kapwa ay self fellow other. Isa itong konseptong walang tuwirang salita sa Ingles. Sa kabilang banda, ka- rin ang ginagamit ng Kapampangan para ipahayag ang isangS dalumat na matatagpuan sa Tagalog. Ang kapwa at kalaro ng Tagalog ay kapara at kakyalung naman sa Kapampangan. Higit pa, kapag ginawang higit sa dalawa ang aktor tulad ng magkakalaro, matutumbasan pa rin ito ng mikakakyalung sa Kapampangan.
MAG-
Ginagamit ang mag- para pangalanan ang relasyon ng mga tao sa isa’t isa. Mag-ama, mag-ina, maglolo, at mag-amo ang tawag sa relasyon ng ama sa anak, ina sa anak, lolo sa apo, at amo sa tagasunod. Walang umiiral na katumbas ang ganitong mga terminolohiya sa Ingles. Kapansin-pansin din na ang itinuturing na mas nakatataas ng antas ang gagamitin para pangalanan ang relasyon. Dahil ipinagpapalagay ng mga Filipino na mas mataas ang ama sa anak, tatawagin silang mag-amá. Ang mag-amá ay mitatang sa Kapampangan. Iisa ng kahulugan at gamit ang mag-mag-, at mi-. May pangmaramihang anyo din ang mag-ama. Nagiging mag-aama ito kung tatlo o higit pa ang nakapaloob sa relasyon. Mitatang pa rin sa Kapampangan.
-AN
Nabanggit na sa bahaging tinalakay ang nag-iyakan na nangangahulugan ang -an ng resiprosidad. Kung ito lamang ang idaragdag sa salita, ipahihiwatig nito ang ang kilos ay ginawa ng mga aktor sa nang magkakasama at/o isa’t isa: suntukan, tawanan, iyakan, barilan, sagutan. Maaari pa itong samahan ng ka- upang patindihin ang nibel ng ugnayan ng mga aktor sa isa’t isa: kasuntukan, katawanan, kaiyakan, kabarilan, kasagutan. Mga salita itong walang madali at direktang salin sa Ingles. At sa Kapampanan, tumbukan. Malinaw na gamít ang -an sa dalawang wika. Kapag ginawang pandiwa ang suntukan, mayroong nakipagsuntukan. Pansinin may morpemang maki--pag-, at -an sa salita. Sa Kapampangan, mekipagtumbukan. Kung uutusan naman ang mga taong mahalin ang isa’t isa, ang sasabihin ay “Magmahalan kayo.”  Sa Kapampangan naman, “mikalugud.” Muli, ang direktang tumabasan sa pagitan ng Tagalog, Bikol, at Kapampangan ay hindi umiiral nang madali at direkta sa Ingles.
KABANATA V
PAGWAWAKAS AT TAGUBILIN
            Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng buod ng natuklasan, pagwawakas at tagubilin base sa kwalipikadong datos na nakalap, iniayos at inalisa ng mananaliksik.
Buod ng Natuklasan
            Matapos ang pagsusuri sa pag-aaral na ito, napag-alaman ng mga mananaliksik ang mga sumusuno:
            Ang salitang “Kapampangan” ay nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog (ang pampang din ay salitang Tagalog na may kaparehong kahulugan). Mangilan-ngilan lang ang may nakakaalam sa naturang wika bago dumating ang mga Espanyol noong ika-16 siglo. Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, galing sa unlaping tagá- na nangangahulugang “katutubo ng” na idinagdag sa harap ng salitang ilog o “Naloy”(Tagal), kaya’t may ibig sabihing “mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig.” Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lamang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc and Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o sa silangangKabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang Pilipinas.
  Ang kalikasan ng wikang Kapampangan
1.  Ang “ang” ay nagiging “ing”.
2. Ang Wikang Kapampangan ay naimpluwensyahan ng Kastila kaya’t nagkaroon ng /c/ at /q/ gayundin ng mga Amerikano kaya’t nagkaroon ng /k/, /x/, /f/ at /w/.
3Walang titik /h/ sa Kapampangan subalit karamihan ng mga salita na nagtatapos sa patinig ay may tunog na /h/ o silent /h/ o pasutsot sa dulo ng mga salita.
4. Naimpluwensyahan ng mga salitang Kastila at Filipino ang ilang salita noong unang panahon. Ngunit dahil sa pagbabago, malaki na ang naging impluwensya ng salitang Filipino sa mga kasalukuyang tagapagsalita ng Kapampangan.
5. Ang “ay” ay nagiging “e”.
6. Ang “d” ay nagiging “r”.
7. Nababago ang diin ng salitang – ugat kapag ito ay nilalapian.
8. Marami sa mga Kapampangan na hindi na ginagamit ang malalalim na katutubong wika bagkus nahahati na ang gumagamit ng Filipino at Kapampangan sa kasalukuyan.
            Ang alpabetong Tagalog ay binubuo (3) KATINIG A OU EI  (14) PATINING Ba Ka Da/Ra Ga Ha La Ma Na Nga Pa Sa Ta Wa Ya samantalang ang Alpabetong Kapampangan ay may  KATINIG (5) Aa Ee Ii Oo Uu PATINIG(13) Bb Dd Gg Kk Ll Mm Nn Pp Rr Ss Tt Ww Yy.
            Gamit ang mga datos na nalikom, ilang mga bagay ang napagtanto ng may-akda. Una, ang mga panghalip at panlapi sa Tagalog na walang madali at direktang salin sa Ingles ay may direktang salin, at higit pa, sa Kapampangan.  Gayundin, ang masalimuot na panlaping nag-an, nagsi-an, nagsipag-, nagsipag-an ng Tagalog ay ipinahayag gamit lamang ang iisang morpema sa Kapampangan. Sa kabila noon, maipipinta pa rin ng mga tanging morpemang iyon ng  Kapampangan ang parehong larawan ng bawat isa sa mga binanggit na morpemang Tagalog. Kung kaya, pagdating sa pagkakaroon ng katumbas na kahulugan at direkta’t madaling salin, tugmang-tugma ang Tagalog at Kapampangan.
Pangalawa, at higit na mahalaga, ang mga piniling panghalip at panlapi ay nagpapakita ng isang uri ng pagtanaw sa mundo: isang kamalayan at oryentasyon tungo sa kapwa (Enriquez, 1989). Lahat ng mga panghalip at panlaping ito ay may direktang salin sa tatlong ginamit na katutubong wika sa Pilipinas. Dahil dito, isinusulong na ang Tagalog at Kapampangan, batay sa kanilang mga panghalip at panlapi, ay kapwa nagtataglay ng pagtanaw sa mundo na may matinding kamalayan at oryentasyon tungo sa kapwa. Detalyado nang ipinaliwanag sa mga naunang bahagi ang mahigpit na pagkakabigkis ng Filipino1 sa kapwa kung susuriin ang kaniyang pananalita.
Mula sa mga salita at morpemang kita-anka-, nasususugan ang paniniwala ni Alegre (1993), na ang pinakabatayang yunit ng lipunan ay hindi ang sarili o ako, bagkus, ang kapwa [sarili + iba + di-iba]. At maaari pang mas saligan sa kapwa, ang pagiging kabahagi ng isang ugnayan ang pinakakaibuturan ng Filipino – na ipinamamalas ng tatlo sa mga katutubong wika ng bansa. Mas
pinahahalagahan ang ugnayan sa kapwa kaysa sa nakahiwalay na sarili. Kung kaya, sumisingaw ang pagpapahalagang ito maging sa wika, dahil ito ang pamantayang pinaiiral ng mga Filipino sa pakikipagkilala nito sa mundo. Ito ang ispesipikong lenteng ginagamit ng Tagalog at Kapampangan para tanawin ang mundong nasa paligid, na kaiba sa ginagamit ng Ingles.
According to Brown (1967): “What is perceived is the result of an interaction between the human individual and the external world… Perception is structured by the active application of the framework of language to the flux of sensations and… that frameworks of different languages differ (p.90)” Tungkol pa rin sa oryentasyon tungo sa kapwa, ipinapamalas din ng iba pang mga panghalip at panlapi ang mas malawak na pag-unawa ng Filipino rito. Makikita sa paggamit ng kayo/kamo/icayu para magpakita ng paggalang sa isang tao ang sistemang panlipunan na kinabibilangan ng Filipino. Ang hirarkiya ay kaayusan. Nakabatay ang pagsasalansan na ito sa edad at katayuan ng isang tao sa lipunan. Ginagamit sa halos lahat ng panahon ang kayo/kamo/icayu para sa nakatatanda o nakatataas ng posisyon. Ganito rin ang sistema para pangalanan ang relasyon ng ina at anak, mag-ina. Ipinagpapalagay na mas nakatataas ang ina o magulang sa anak, at isang uri ito ng moral na inekwalidad (Mulder, 1997). Isa itong pag-aantas na hinding-hindi mapasusubalian sa lipunang Filipino. Hindi nakapagtatakang naipapahayag ito maging sa wika. Ang pagkakaroon naman ng dalawang salita para sa we, ang tayo at kami, ay isa pang manipestasyon ng kulturang Filipino sa wika nito. Totoong tungo sa kapwa ang oryentasyon ng Filipino ay malay ito sa pagiging bahagi ng isang pangkat. Sa kabalintuaan, ang kamalayan ding ito sa pagiging bahagi ng isang pangkat ang siyang nagsilang ng kamalayan sa mga hindi bahagi ng pangkat. Kung kaya, malay na malay ang Filipino sa ingklusibong tayo, ang di-ibang tao sa kanya, at sa eksklusibong kami, may ibang tao na hindi kasali. Ayon kay Mulder (1997), ang pamilya ang pinakaunang pinagkukuhaan ng Filipino ng kanyang pagkakakilanlan. Dahil nga makakapwa ang Filipino, kukunin ang identidad nito sa pinakauna nitong kapwa, ang pamilya. Habang tumatagal, lumalawak ang saklaw ng “pamilyang” ito maging sa iba pang kamag-anak at mga kaibigan at itinuturing na silang “kapamilya” o “hindi ibang tao.” Sila ang unang nagpamaláy sa pagkakaroon ng tayo, na kagyat na magluluwal ng kami, o kamalayan sa ibang tao. Dagdag pa, sa mga salitang nagsiiyak, nag-iyakan, nagsiiyakan, nagsipag-iyak, nagsipag-iyakan, hindi maikakaila na laging may salitang pangmaramihan o pampangkatan ang Filipino. Kung kaya, masasabing ang kamalayan at katauhan niya ay hindi mapag-isa at laging nakikipag-ugnayan.
Ika nga ni Alegre (1993), “The essential Pinoy is interrelated (p. 40)” Higit pa itong makikita sa panlaping ginagamit upang magpahayag ang pagsama sa isang pangkat para sa isang gawain, ang maki-. Bukod pa riyan, malay din ang ang Filipino na may mga gawain itong iniaasa sa kapwa, kaya naipahahayag ito sa isang salita: nagpa-. Makukuha mula sa Tagalog, Bikol, at Kapampangan ang kabatiran sa pagtulong ng kapwa upang makuha ng sarili ang gusto. Hindi ito simpleng pagiging sama-sama sa isang gawain, isa na itong akto ng pag-asa at pagtitiwala. Sa kaibuturan ng lahat ng mga panghalip at panlaping siniyasat, malinaw na makikitang repleksiyon ang mga ito ng partikular na pagtanaw ng Tagalogat Kapampagan sa mundo. Sinususugan ng pagtanaw sa mundo ng tatlong katutubong wika sa bansa ang mga Filipinong pamantayan o values na inilatag din nina Jocano at Lynch, pati na ang sikolohiyang Pinoy ayon kay Enriquez. Kung susumahin ang mga paniniwala nila, mauuwi ang lahat sa kapwa, o komyunalidad. Sa puso ng lahat ng gawain at pagsasawika nito ay ang matinding pagpapahalaga ng Filipino sa mabuting relasyon sa kapwa o kaayusan ng komunidad. Mas pinahahalagahan ang nakararami kaysa sa kapakanan ng nag-iisang sarili. Mahalaga ang hirarkiya dahil upang gumana nang mahusay bilang isang yunit ang kinabibilangang komunidad, kailangang magkaroon ng tiyak na lugar at tungkulin ang bawat isa. Hindi lahat ay maaaring maging pinuno kaya may dapat maging tagasunod. Ang pamumuno kadalasan ay ibinibigay sa nakatatanda dahil ipinagpapalagay na ang higit na gulang at higit na dunong. At dahil higit ang dunong ng mga ito, ang mga mas nakababatang kulang pa sa kakayahan ay dapat matutong sumunod at gumalang. Hindi magkakapantay ang mga tao sa lipunan, subalit ang kabalintuaan, hindi estatiko ang kalagayang ito. Sa kalaunan, magkakagulang ang mga bata at sila ang papalit sa puwesto ng mga nakatatanda. Ang mga dating tagasunod ang hahalili sa pinuno pagdating ng araw. Dito makikita ang kabalintunaan, bagaman nasa magkakaibang antas ang mga tao, wala sa kanilang tunay na nakatataas o nakabababa dahil nangyayari lamang ang kaayusan at tagumpay ng lipunan dahil ginagampanan ng bawat isa ang papel na ibinigay sa kanila sa partikular na panahong iyon. Sa ganitong paraan gumagana at napananatili ang kaayusan sa komunidad at nabibigyang-anyo ng pagtanaw sa mundo na ito sa natatanging mga katangian ng wika ng Filipino.
Sa isa pang antas, bunga ng pagpapahalaga sa kapwa at komunidad na ito ang napakatiyak na kamalayan sa pangkat at resiprosidad. Kamanghamangha na dahil sa pagkababad ng Filipino sa karanasan ng pangkat, may mga panlapi ito sa ipahiwatig ang pagkakasabay-sabay at pagdirekta ng mga kilos para sa isa’t isa. Halos palaging ginagawa ang mga bagay sa konteksto ng isang pangkat at maraming panlaping nagpapatunay nito. Napakasalimuot ng mga panlaping Filipino at pinaiibabaw ng mga ito ang isang pagtanaw sa mundong makakapwa. Ayon sa ama ng language as a worldview na si Wilhelm von Humboldt: “What is vividly sensed in the mind always makes itself felt… during the language-making periods of nations… As the feeling first inwardly arose… so inflection emerged in languages, from a source within (p. 102).”
Pagwawakas
            Matapos ang pangngalap at pag-analisa sa mga datos, ang mananaliksik ay nagkaroon ng mga konklusyon na:
            Gamit ang lente ni Humboldt, makikitang magkaibang pagtanaw na mundo ang matutuklasan sa pagitan ng Ingles at ng mga nabanggit na wika sa Pilipinas. Makukuha ito mula sa piling mga panghalip at panlapi na nagsilbing gabay sa pagkilala sa natatanging pagtanaw na ito ng Filipino sa mundo. Kapansin-pansin din ang pagkakapareho at pagkakahawig ng ilang mga panghalip at panlapi sa Tagalog, Bikol, at Kapampangan. Dahil may pinagsasaluhang uri ng pagtanaw sa mundo, likas na likas ang pagtawid ng ilang mga terminolohiya. At bagaman itinuturing na tatlong magkakaibang wika, malinaw na malaki at mahigpit ang pagkakapareho ng Tagalog, Bikol, at Kapampangan pagtanaw ng mga ito sa mundo. Binubuksan nito ang posibilidad ng pagkakapareho maging sa iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas, at magsisilbing dagdag na patunay na may pinagsasaluhan pa ring pagkakatulad ng bawat Filipino. Hindi man ito makita at marinig sa mismong anyo at tunog ng kanilang mga wika, matatagpuan naman ang pagkakaisang ito sa kaibuturan: sa uri ng pagtanaw sa mundo na ipinapahayag ng iba’t ibang wika ng Filipino.
       Sinususugan, sinusuportahan, at higit na pinatitibay ng saliksik na ito ang paggamit ng inang wika o mother tongue sa pagtuturo, lalong-lalo na sa primaryang edukasyon. Hayaang maging malalim ang pagkilala ng kabataan sa wika ng kanilang pook. Maaaring maging panganib ang rehiyonalismo subalit sa hindi ito totoong hadlang sa pambansang pagkakaisa. Dahil iisang pagtanaw sa mundo ang taglay ng mga wikang katutubo at ng Filipino, dagdag pa ang magkaparehong estrukturang pangwika, magiging higit na madali sa kabataan ang matuto ng Filipino kaysa Ingles. At sa mga panahong hinuhubog pa ang kabataang ito, ibabad sila sa kanilang bernakular at pambansang wika. Sa gayon, maaga pa lang ay mabubuo na sa kanila ang pampook at pambansang kamalayan at pagpapahalaga. Pagkatapos, saka mas ipasok ang pagsasanay sa Ingles, na isang ibang uri ng pagtanaw sa mundo kumpara sa mga wika sa bansa, upang lalong palawakin ang kaisipan ng mga mag-aaral. Isang malaking bentahe ang paghubog ng kabataang kayang tingnan ang mundo sa napakaraming paraan nang hindi kinakalimutan at isinasantabi ang sariling bayan at kinalakhan. Sa usapin naman ng Filipino, ang wikang pambansa, pinatunayan ng saliksik na maaari din itong patuloy na payamanin gamit ng iba pang mga katutubong wika sa bansa, hindi lamang sa aspekto ng talasalitaan, bagkus, pati ng mga panlapi. Dahil iisang pagtanaw sa mundo ang umiiral sa mga ito, likas ang magiging pagtawid ng mga panlaping ito. Dagdag pa, kinakailangang gumawa ng mga teksbuk na pormal na ituturo ang mga wika sa Pilipinas kung saan itatampok ang iba’t ibang katangian ng mga ito: ang mga bahaging hindi makikita sa Filipino, bahaging pinagsasaluhan kasama ng Filipino, at mga katangian sa Filipino sa wala sa katutubong wika. Sa ganitong paraan, mas magiging sistematiko ang pag-aaral at pagpapaunlad ng bawat wikang katutubo, pati ng Filipino.
Rekomendasyon
            Batay sa naging resulta ng pag-aaral at naging wakas nito, narito ang mga rekomendasyon ng mananaliksik upang lalo pang mapalawak ang pag-aaral tungkol sa Komparatibong Pag-aaral ng wikang Kapampangan at Tagalog.
1. Kailangang pagyamanin pa ang pag-aaral ng wikang Kapampangan at Tagalog para sa kapakinabangan ng mga susunod na mananaliksik at tagapag-aral ng wika. Saliksikin pa ang ibat ibang mahahalagang datos at impormasyon na makatutulong sa pag-aaral na ito.
 2. Bigyang-pansin iba pang estruktura ng wikang Kapampangan at Tagalog pati na rin ang ibang aspeto ng kanilang sining at kultura.
3. Ituro sa paaralan ang wikang Kapampangan at Tagalog upang hindi makalimutan ng susunod na henerasyon.

TALASANGGUNIAN
Alegre, E. (1993). Pinoy forever: Essays on culture and language. Pasig City: Anvil Publishing, Inc.
Bollas, A., & Supnet, C. P. (2013). Pluralizing morphemes in four languages: Bikol, Tagalog, Itawis, and Ayta Mag-Antsi. University of the Philippines,
Brown, R. L. (1967). Wilhelm Von Humboldt’s conception of linguistic relativity. Netherlands: Mouton & Co. N.V.
Enriquez, V. G. (1989). Indigenous psychology and national consciousness. Tokyo: Institute for the Study of Languages and Cultures of Asia and Africa.
Humboldt, W. V. (1999). On language: On the diversity of human language construction and its influence on the mental development of the human species. United Kingdom: Cambridge University Press.
Jocano, F. L. (1997). Filipino value system: A cultural definition. Quezon City: Punlad Research House.
Mulder, N. (1997). Inside Philippine society: Interpretations of everyday life. Quezon City: New Day Publishers.

Casumpang, T. J (2014). Panghalip, Panlapi, at Pagtanaw sa Mundo: Komparatibong Pagsusuri ng Wikang Tagalog, Bikol, at Kapampangan. PS 215 Final Paper