Sa ating/ Superbisor sa Programang Edukasyong English/ Dr. Adelardo I. Malaluan, sa ating/ Pandistritong Superbisor/ ng mga Pampublikong Paaralan/ Dr. Cecil V. Jose, sa ating/ Punong-guro (II) dalawa/ Ginoong Eldon G. Tendan, sa ating Punong Barangay/ Kagalang-galang Maria Rona P. San Juan, sa ating PTA G./Bb. Tessi Cerame, sa mga gurong naririto,/ sa mga magulang/ at sa mga magsisipag-angat ng baitang,/ isang mapagpalang umaga sa ating lahat.
Bago tayo magsimula/ ay inaanyayahan
ko lahat ng mga magsisipag-angat ng baitang/ na tumayo at sabay-sabay nating
parangalan/ ang mga taong naging bahagi ng inyong tagumpay./ Kung
natatanaw n’yo ang inyong mga magulang/
at mga guro,/ humarap kayo sa kanila/ tingnan n’yo ang kanilang mga mukha,/
kumaway kayo/ at bigyan sila ng isang matamis na ngiti/ at masigabong
palakpakan./ Dahil kung hindi sa kanila/ ay wala tayo rito upang magdiwang sa
isang nakapahalagang araw na ito sa inyong buhay. (Maaari na tayong umupo)
Isang napakalaking karangalan/ ang
maimbitahan sa espesyal na araw na ito kasama kayo./ Pagkatanggap ko ng liham
imbitasyon,/ nakasaad doon na magbibigay ako ng isang mensahe ng inspirasyon./
Bigla akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib./ Ito na nga pala/ ang ikalawang
pagkakataon/ na ako ay magsasalita sa mismong entabladong kinatatayuan ko noon/
labing isang (11) taon na ang nakalilipas./ Masaya/ dahil nanariwa muli sa
aking isip/ ang masasayang karanasan ko/ sa paaralang ito./ Ang pagtatanim ng
limang puno sa likod ng paaralan kada bago eksam. Ewan kung may nabuhay ni isa
sa mga ‘yon/ dahil hindi pipirmahan ng SSG ang iyong clearance. Ang pagsakay sa
jeep na pauwing Calintaan/ sa pagpasok
sa paaralan/ tapos ang bayad ay piso lang./ Ang pagtalok sa kapirasong lupa ng
paaralan/ dahil required sa TLE subject./ Ang paaralang naging bahagi ng
paglago ko bilang isang tao/ at humubog sa kung saan ako ngayon.
Palasak na kung ikukwento ng mga
panauhing tagapagsalita/ ang kanilang naging buhay subalit hindi ko
palalampasin ang pagkakataong ito upang ibahagi sa inyo ang lahat ng pinagdaan ko.
Subalit hindi naging madali ang lahat/ bago ko narating kung saan ako ngayon./
Habang nag-aaral ako ng elementarya at sekondarya/ ay kinakailangan kong
managraw o mamulot ng palay sa ibabaw ng tirik na araw/ noong hindi pa uso ang
harvester/ at manalukan para magkaroon ng malaking baon sa eskwela/ gaya ng
isang tipikal na kabataan na hindi namulat sa marangyang pamumuhay./ Na hindi
rin naranasan ng karamihan sa inyo. Naalala ko pa noon na kailangan kong
tumulong sa nanay ni Sir Mokong/ na si Ate Bani/ sa pagtitinda ng pancake na
may star margarin/ at binudburan ng asukal sa ibabaw upang sa ganoon /ay
mabahaginan ako ng konteng halaga upang ipambili ko ng sarili kong meryenda/ o
kung minsan ay mismong tinda pa niya./ Sabi ng tatay ko noon/ tama na ang
makapagtapos ka ng sekondarya./ Subalit hindi ako nagpapigil aking ambisyon./ Bilang
isang SK Kagawad ng mga panahon na ‘yon/ ay ginamit ko ang aking pribiliheyo/
para sa isang iskolarsyip/ at pumipila sa halagang tatlong libo ni Congressman
Nene/ na madalas ay mahaba pa ang mensahe ng mga politiko/ kung kaya’t aabutin
ka na ng gutom sa haba ng pila/ para lang may pambayad sa matrikula./ Salamat
sa tatlong libo dahil nai-survive ko ang kolehiyo/ kahit papaano. Tanda ko pa,/
nagsimula ang aking allowance/ sa halagang tatlong daang piso/ sa mga unang
taon ko sa kolehiyo./ Kailangan kong maghigpit ng sinturon./ Ipinagkasya ko ang
halagang ito para sa photocopy,/ pang-ulam/ at pamasahe na/ noon ang klase ay
nasa Labangan pa. Sa halagang tatlong daan ng mga panahon na ‘yon/ ay marami ka
pang mabibili. May pagkakataon pa/ na
bumibili na lang ako ng siomai na tatlo sampu sa plasa ng San Jose/ para
pang-ulam sa gabi/ at madalas/ itlog at noodles na may halong malunggay na kinuha
sa bakuran ng kalapit boarding house ay sapat na./ In short diet is life./ Gusto
kong kunin ang pagkakataong ito upang ialaay ang talumpating ito sa lola ni
Ma’am Marian na malaki ang naging parte sa aking tagumpay. Hindi ako
ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig/ kaya’t ipinamulat sa akin ng mundo
sa murang edad ang dapat kong matutuhan/
at dahil sa mga karanasang ito/ ay naging mas matibay ako/ at naging maalab ang
aking pagnanais na magtagumpay sa buhay./ Hindi sa ayaw ko ng gawin ang
nakagawian/ bagkus gusto kong mabago ang takbo ng buhay ko.
Ee bakit malungkot ang beshy
ko? Dahil ang iba sa inyo ay aalis at
mag-aaral sa ibang paaralan at ang iba naman ay mananatili. Kakabit ng pagsasara
ng isang kabanata ay pagsisimula ng mas maganda at panibagong yugto ng inyong pag-aaral. Sa
inyong pag-angat ng baitang/ baoin n’yo ang mahahalagang bilin na subok ko na/
sa paglipas ng mga taon.
Una,
Magtakda ng malinaw na layunin. Dapat alam mo kung
ano ang gusto mong marating sa buhay. Ang pagkakaroon ng malinaw na layunin ay
magbibigay sa iyo ng direksyon at motibasyon. Kung mangagarap kayo, gawin
ninyong detalyado ang pangarap ‘nyo. Panagarap ko dati na kumuha ng kursong
Bachelor of Arts in Communication o hindi kaya ay Bachelor of Arts in Political
Science at dahil sa walang kakayahan ang aking magulang na pag-aralin ako sa
kursong ninanais ko at walang kursong gaya nito sa ating probinsya ay kinuha ko
ang kurso ng Pagtuturo. Ito ay dahil na rin sa impluwensiya ng aking mga guro/
na naririto sa inyong harapan. Kaya nga rest in peace sa mga kursong gusto
natin/ na hindi natin naituloy. Kaya kung kayo ay may pagkakataon na
ipagpatuloy ang kursong gusto n’yo pagkatapos ng inyong Senior High School/ ay
pagbutihan n’yo. Kung gusto maging pulis, dapat ngayon pa lang ang asal at
kilos mo ay gaya na rin ng isang pulis. Kung gusto mong maging guro, dapat ang
iyong tinatahak na daan ay patungo sa pagiging guro. Everything is a matter of
mindset.
Pangalawa,
Kumilos ka. Huwag
hintayin ang perpektong sandali upang magsimulang kumilos patungo sa iyong
pangarap. Simulan sa paggawa ng maliliit na hakbang/ tungo sa pag-abot nito.
Sabi nga don’t prepare, begin. Ang pagpapatuloy mo sa Senior high school ay
isang malaking hakbang tungo sa pag-abot ng iyong mga panagarap.
Pangatlo,
Maging matiyaga.
Hindi nakukuha ang pangarap sa isang upuan lang. Gaya ng isang caterpillar/ na
matagal na nanatili sa kanyang cocon mula 5 (lima) hanggang 21 (dalawamput
isang araw) at kung minsan ay umaabot pa ng (3) tatlong taon bago maging isang
magandang paruparo. Panatilihin ang pokus sa layunin sa kabila ng mga pagsubok
na nararanasan. Panatilin ang positibong pag-iisip. Padayon lang. Naniniwala pa
rin ako sa mga gasgas na mga kasabihan na “kapag may tiyaga ay may nilaga” at
“today is sacrifice and tomorrow is paradise”.
Sa nagdaang mga linggo,/ naging
usap-usapan ang isang facebook post/ kung ano nga ba ang mas mahalaga? Diploma
o diskarte? Kayo ang tatanungin ko./ Anong mas mahalaga?/ Diploma/ o diskarte?
Tama si Kuya Renan/ na isang
personal blogger/ na lagi niyang sinasabi na tapusin n’yo ang inyong pag-aaral,
kumuha ng diploma at dumiskarte para makahanap ng trabaho kaya nga sabi ng dating
Senador Bam Aquino “Ang edukasyon ay susi/ para sa isang magandang
kinabukasan.” Dagdag pa when Padre Jose Burgos once said: "Mag-aral kayo./
Pakinabangan ninyo ang mga paaralan ng bayan/ hanggang sa kung saan ang
mabibigay ng mga ito./ Laging maging Pilipino,/ isang edukadong Pilipino."/
at sa isang facebook post ni Kuya Dyek/ para balang araw/ ‘yong kwento mo na
rin/ ang kwentong pakikinggan./ Huwag mong hayaang tagapakinig/ at tagapalakpak
ka lang./ May kwento ka/ at dahil sa’yo/ at sa tapang mo,/ magpapatuloy rin ang
iba. Kaya alang-alang sa maganda mong istorya,/ magpatuloy ka.
Muli/ isang maligayang pagbati sa
inyong pag-angat ng baitang. Piliin lagi ang tama/ at katotohanan. Maging
progresibo’t/ magkaroon ng kritikal na pag-iisip/ upang makapag-ambag ng
pagbabago sa lipunan./ Palayain ang isip/ at kamalayan/ at maging isang
kapaki-pakinabang na mamamayan.