(ESTRUKTURA, KATANGIAN, ELEMENTO AT TUNTUNIN)
Bawat tao ay may sariling wika. Ito ang ginagamit niya sa pakikipamuhay at pakikisangkot sa kanyang mga kalahi. Sa pamamagitan ng wika naipahayag niya ang kanyang kaisipan, damdamin, adhikain, pangarap, imahinasyon at pagpapasya. Sa wika rin naipadama ang sidhi ng damdamin, lungkot, galak katuwaan, layunin, katotohanan, pasasalamat, paghanga at ng iba pang nais iparating ng sinoman.
Kahulugan ng Wika
Ano nga ba ang wika? Iba’t iba ang pagpapakahulugan dito. Ilan sa mga kilalang dalubhasa at manunulat ay naglahad ng kanilang iba’t ibang kaisipan at pagpapakahulugan sa wika.
- Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay malimit na binibigyang-kahulugan bilang sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao.
- Si Bouman (1990), naman ang nagsabing ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag.
- Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang komunidad. Ito ay naririnig at binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at ng kalakip na mga sangkap ng pananalita.
- Si Sturtevant naman ang nagsabing wika ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.
- Binigyang kahulugan naman ni Finnocchiaro ang wika bilang sistema ng arbitraryo, ng simbolong pasalita na nagbibigay-pahintulot sa mga taong may kultura, o ng mga taong natutuhan ang ganoong kultura na makipagtalastasan o makipagpalitan ng usapan.
- Ngunit sa lahat ng ito, natatangi ang pagpapakahulugan ni Gleason (1961) sa wika. Ayon sa kanya, ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
- Sa makatuwid, tama si Brown (1980) sa pagsasabing kung pagsasama-samahin ang kahulugan ng wika sa isang depinisyon, ang wika ay masasabing sistematiko, set ng simbolong arbitraryo, pasalita, nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao.
Panlahat na Katangian ng Wika
A. Ang wika ay masistemang balangkas.
Isinasaayos ang mga tunog sa sisteamang paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit ng salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa sistemang ayos sa isang tiyak na balangkas.
Balangkas ng Wika
PONOLOHIYA MORPOLOHIYA SINTAKSIS DISKORS
Ponolohiya (Palatunugan) – makaagham na pag-aaral ng mga tunog.
Ponema – ang pinakamaliit ngunit may kahulugang tunog sa isang wika
Morpolohiya (Palabuuan) – ang makaagham na pag-aaral ng mga morema o makabuluhang yunit ng salita.
Morpema – ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan
Panlahat na Katangian ng Wika
Sintaksis (Palaugnayan) – ang makaagham na pag-aaral ng mga sistema ng pagsasama-sama o pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang bumuo ng pangungusap
Diskors – ang makahulugang palitan ng mga pangungusap ng dalawa o higit pang tao.
B. Ang wika ay sinasalitang tunog.
Ang wika ay sinasalita na galling sa magkakasunod-sunod na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba’t ibang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, ngipin, ngalangala, velum at gilagid. Ang mga bahaging ito ng ating katawan na ginagamit natin sa pagpapahayag ay tinatawag na speeh organs.
C. Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog.
Ang iba pang salita sa katangiang ito ay tumutuon sa salitang simbolo. Anumang uri ng simbolo, simbolong bokal at arbitraryo. Sa medaling sabi, may isang tawag na kumakatawan sa isang bagay, ideya, aksyon o pangyayari.
D. Ang wika ay komunikasyon.
Ang wika ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ang damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailangan ng tao.
E. Ang wika ay pantao.
Isang eksklusibong pag-aari ng tao ang wika. Tao ang lumikha, tao rin ang gumagamit. Dala-dala niya ito bilang instrumento sa pakikipagtalastasan. Kapangyarihang taglay niya kung paano, saan, at kanino niya ito gagamitin.
F. Ang wika ay kaugnay ng kultura.
Wika ang kaluluwa ng tao kaya’t nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil dito, itinuturing na dalawang magkabuhol na aspeto ang wika at kultura ng tao. Walang wikakung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Samakatuwid, magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya’t habang may tao at umuunlad ang kultura nito, patuloy ding buhay at dinamiko ang wika.
G. Ang wika ay malikhain.
May kakayahan ang anomang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang taong maalam sa isang wika ay nakapagsasalita at nakabubuo ng iba’t ibang pahayag, nakauunawa ng anomang marinig o nabasang pahayag.
H. Ang wika ay dinamiko.
Ang wika ay buhay at patuloy sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang pamumuhay ng tao at inaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pintuan nito sa pagbabago upang makaangkop sa mga pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad.
Mga Tungkulin ng Wika
Inilahad ni M.A.K Halliday (1973) sa kanyang Explorations in the Functions of Language, ang iba’t ibang tungkulin ng wika:
1. Pang-instrumental
Sumasagot ito sa mga pangangailangan sa tulong ng wika.
Halimbawa: pag-uutos, pakikiusap, atbp.
2. Panregulatori
Ito ay kumukontrol sa asal ng iba.
Halimbawa: pagbabala, pagbibigay instruksyon at direksyon, pagpapaalala
3. Pang-interaksyunal
Ito ay nagpapatatag at nagpapanatili ng relasyong sosyal.
Halimbawa: mga berbal na pagpapahayag, pagmumungkahi, paghingi, pag-uutos
4. Pampersonal
Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng sariling opinyon.
Halimbawa: pag-aapruba o pagpapatibay, pagpupuri o pagbabatikos
5. Pang-imahinasyon
Ito ay nagpapakita ng pagkamalikhain ng tao.
Halimbawa: pag-awit, pagtula, pagkukwento, deklamasyon, atbp.
6. Pangheuristiko
Ito ay naghahanap ng impormasyon at mga bagay-bagay.
Halimbawa: paggawa ng sarbey, pananaliksi, pakikipanayam
7. Impormatibo
Ito ay nagbibigay impormasyon.
Halimbawa: pag-uulat, pagbabalita, pagbabalita, pagtatalumpati
Tungkulin ng Wikang Filipino
1. Binibigkas ng wikang Filipino ang lipunang Pilipino
– nagkakaroon ng integrasyon ng mga etnikong grupo sa bansa. Nagkakaugnay sila sa pamamagitan ng isang wikang pareho nilang nauunawaan.
2. Tumutulong ito sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino
– Ayon kay Salazar (1996:40), ang lumikha sa sariling wika ay nagpapayaman sa sariling kultura: ang lumikha sa ibang wika ay naglalayo rito at nag-aambag lamang sa ibang kultura.
3. Sinasalamin ng wikang Filipino ang kulturang Filipino
– May mga salitang likas lamang sa wikang ginagamit ng mga Pilipino na repleksyon ng kultura.
4. Inaabot nito ang isip at damdamin ng mga Pilipino
– Inaantig ng wikang Filipino ang damdamin ng mga Pilipino. Tumatagos ito sa puso’t isipan na nagpapapitlag o nagpapakilos sa tao.
5. Sinisimbolo nito ang pagka-Pilipino ng mga Pilipino
– Ang paggamit ng wikang Filipino ay isang paraan sa pagpapakilala sa mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, saan man naroroon ang mga Pilipino ay mapagkakakilanlan kung sino sila.
Mga Antas ng Wika
1. Wikang Pambansa
– Ito ay madalas gamitin sa komunikasyon sapagkat nauunawaan sa buong bansa. Ito ang wikang ginagamit at tinatanggap sa lipunan.
Halimbawa: awit, tao, bahay, aklat, guro, pahina, anak, ama, bata
2. Wikang Pampanitikan/Panliterari
– Ito ay bunga ng katutubong kakayahan at kasanayan sa paggamit ng malikhaing pagpapahayag at mapakahulugang pananalita. Ito ang ginagamit ng mga dalubhasa at mga manunulat sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, kuwento, nobela, atbp.
Halimbawa: abo ang utak, ahas na tulog, amoy lupa, bagong daigdig, balat-kalabaw
3. Wikang Lalawiganin
– Ito ay impluwensya ng lalawiganing pinanggalingan. Ito ang wikang ginagamit at laganap sa isang lugar o lalawigan. Madali rin itong malaman o makilala dahil sap unto o tono.
4. Wikang Kolokyal
– Ito ang mga salitang ginagamit sa mga sitwasyong impormal. Ito rin ay mga salitang pinaikli na ginagamit sa pang-araw-araw a pag-uusap.
Halimbawa: teka muna (hintay ka muna), meron (mayroon), kelan (kalian)
5. Wikang Balbal/Islang
– Ito ay bunga ng pinagmulang lugar na karaniwa’y pinakamababang antas ng lipunan o maaari naming impluwensya ng mga kabataan, o partikular na grupo, na lumilikha ng sarili nilang wikang may kakaibang tunog at dating.
Halimbawa: atab (bata), astig (tigas), jowa (asawa), bopols (bobo), TL (true love),
Filipino Bilang Wikang Pambansa
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 134 – pagtukoy sa wikang pambansa ay “pambansang wika sa Pilipinas na batay sa Tagalog”
- Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 – nag-aatas sa paggamit ng katawagang “Pilipino” sa pagtukoy sa wikang pambansa upang maikintal sa wikang pambansa ang di mapapawing katangian ng ating pagkabansa.
- Artikulo XIV, Seksyon 6, Konstitusyon ng 1987– nagtadhana na ang wikang pambansa na tatawaging “Filipino” …at hanggat walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging wikang opisyal.
Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino
Ang wika ay masistemang balangkas. Hindi posibleng matuto ang tao ng pagbuo ng mga salita bago siya natuto ng pagbigkas ng mga tunog. Ang wika ay natutuhan ng tao ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan nito. Kapag nangyari ito, nagiging mas matibay at matatag ang kasanayan ng tao sa paggamit ng wika tungo sa kanyang tagumpay.
Ponolohiya (Palatunugan)
Ang wika ay tunog. Sa ating pakikipag-usap, ang pagsasama-sama ng mga tunog sa kapwa tunog ang lumilikha ng salita, at ang mga salita, sa pakikipag-ugnayan nito sa kapwa salita na bumuo ng diwa ang siyang tumutulong sa ating komunikasyon. Sa isang edukadong nag-aaral n gating wika, ang tunog o ang katumbas na tunog sa alpabeto sa pagbaybay ay tumutulong nang malaki sa wastong pagbigkas ng salitang pinag-aaralan.
Ang ponolohiya (palatunugan) ay pag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Ang tunog na nagbibigay kahulugan sapagkat dito matutunan ang tamang bigkas ng mga ponema. Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika na nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o nagbibigay ng ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA O PALATUNUGAN. Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay PONEMA.
May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino labing-anim (16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa Filipino ay ang sumusunod: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y Ang mga patinig naman ay ang: a, e, i, o, u
Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Mga Halimbawa: bibe-bibi, babae-babai, doon-duon, noon-nuon.
Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang magkahiwalay o magkaibang ponema na. Halimbawa: mesa-table, misa-mass.
Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito katulad ng makikita sa tsart na nasa ibaba. Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas / artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng dalawang letra subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog.
Paraan ng artikulasyon – Labi, Ngipin, Gilagid, Ngalangala Velar Lalamunan Glottal Pasara (Stop) walang tinig may tinig P b t d k g ’ Pailong (Nasal) may tinig m n ŋ. Pasutsot (Fricative) walang tinig s h Pagilid (Lateral) may tinig l Pakatal (Trill) may tinig r Malapatinig may tinig w y.
Tagpuan o Punto ng Artikulasyon- naglalarawan ito kung saan bahagi ng bibig nagaganap ang pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng isang katinig o sa pagbuo ng tunog, may pitong punto ng artikulasyon: a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig. /p,b,m,w/ b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/ c. Panggilagid. Ang punog gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila. /s,l,r/ d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog dila. /y/
Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. /k,g, /(ng)/ e. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan. /h/ f. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /?/
Inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit ang nmga bahagi ng organong pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa pagbigkas ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador. Samakatuwid, ang paraan ng artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng pagpapalabas ng hangin sa bibig o sa ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog. Ang paraan ng artikulasyon o paraan ng pagbigkas ay mapapangkat sa anim, gaya ng mga sumusunod: a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,?,b,d,g/ b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n, /ng/ c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s,h/ d. Pagilid. Dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang hangin. Pakatal. Dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/ f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon. /w,y/ Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino, malaya ng nakakapasok angmga salitang katutubo at banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang panghihiram ng salita. Ayon sa ilang dalubwika, ang dating bilang ng mga ponemang Filipino ay nadagdagan na nga pitong bagong ponema.
Sa pagbubuo ng tunog,ang ponemang patinig at ponemang katinig ay karaniwan nang pinagsasamasama. Hal.: p+a=pa; h+o=ho, s+i=si. Ang tawag sa nabubuong tunog ng pinagsamang ponemang katinig at ponemang patinig ay ponemang segmental. Kapag ang ponemang katinig na w at y ay sinudlungan ng alinman sa limang ponemang patinig, ang nabubuong tunog ay tinatawag na diptonggo. Mga halimbawa: a+w=aw; i+w=iw; i+y=iy; e+y=ey; a+y=ay; o+y=oy; u+y=uy. Ang mga diptonggo ng Filipino ay pito lamang: aw, iw, iy, ey, ay, oy, at uy.
Ang dinaglat na ay na karugtong ng salitang nagtatapos sa patinig ay diptonggo. Mga halimbawa: kami’y, tayo’y, ako’y. Hindi lahat ng dalubwika ay sumasang-ayon na diptonggo ang mga ito subalit kapag binibigkas ang salaitang nagtatapos sa patinig na may kasamang dinaglat na ay, litaw na litaw ang tunog ng diptonggo. Ang mga diptonggo ay karaniwang nasa hulng pantig ng salita, Halimbawa: sawsaw, nguyngoy, aruy, aliw. Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ̓/ ay impit na tunog sa matandang balarila. Ang ponemang ito ay medyo nagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito ay isang ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o letra.
Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan: a. Nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng tuldik na paiwa ( ʽ) kung nasa posisyong pinal ng salita. Ang mga salitang may impit na tunog sa posisyong pinal ay tinatawag na malumi o maragsa. Malumi-salitang malumay o dahan-dahan kung bigkasin pero may diin sa pantig na penultima o huling pantig ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Inirerepresenta ito ng tandang paiwa (tulad ng nasa itaas na simbolo) na inilalagay sa dulo ng salita. Ito ay laging nagtatapos sa patinig. Halimbawa: bata, talumpati, dambuhala, kulasisi.
Maragsa – Salitang binibigkas ng tuloy-tuloy mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin ay nasa huling pantig. Lagi rin itong nagtatapos sa patinig,. Inirerepresenta ito ng tandang pakupya (˄) na inilalagay sa dulo ng salita. Gaya ng salitang malumi, lagi ring nagtatapos sa patinig ang salitang maragsa. Mga Halimbawa: kaliwâ, butiki, salitâ, dukhâ Ang tuldik na paiwa (ʽ) at tandang pakupya (˄) ay kapwa kamakatawan sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog.
Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa loob ng salita sa paigitan ng katinig at patinig. Mga Halimbawa: may-ari, mag-alis, nag-ulat Kung aalisin ang gitling, mag-iiba ang kahulugan ng salita . Inilalagay ang gitling sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Samakatuwid, ang gitling na nasa pagitan ng katinig at patinig ay nagrerepresenta sa glottal ng pasara. Mapapansin na sa pagbigkas ng mga salitang malumi, maragsa at may gitling sa pagitan ng katinig at patinig, nagdidiit ang mga babagtingang-tinig na siyang dahilan sa paglikha ng impit na tunog.
Morpolohiya (Palabuuan)
Ang morpolohiya (palabuuan) ay isang bahagi ng linggwistika nagsusuri sa kahalagahan ng morpema ng isang wika at ng pagsasama ng mga ito upang makabuo salita. Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng mga pinagsamang mga tunog. Kung ihahambing ito sa ponema ay kakaiba sa dahilang tinutukoy nito ang pinakamaliit na tunog na makahulugan. (Lachica, 2000).
Morpemang Ponema /a/ at /o/. Kung nagbabago ang kahulugan ( kasarian) dahil sa pagdagdag ng ponemang /a/ o kontradiksyon ng /o/ sa /a/, ang /a/ o /o/ ay itinuturing na ponema. Halimbawa : – Gobernador – Gobernadora – Konsehal – Konsehala – Kapitan – Kapitana – Abogado – Abogada
Morpemang Salitang-Ugat – Ito ay uri ng morpema na walang panlapi. Ito ay ang payak na anyo ng isang salita. Halimbawa : Indak sayaw sulat, Ganda sipag bata. Buti payat bunso
Morpemang Panlapi – Ito ay uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaring makapagpabagong kahulugan ng salita ngunit hindi nakakatayong mag-isa ang mga panlapi at kailangan idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng kahulugan. Ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng kahulugan.
Ang mga panlaping Filipino ay maaring ikabit sa mga pangngalan at tinatawag itong panlaping makangalan; sa pandiwa ay tinawatag naman itong panlaping makadiwa at sa pang-uri ay tinatawag itong panlaping makauri. • Kilala rin ang morpemang panlapi bilang di- malayang morpema. Bagamat’t may kahulugan, hindi makikita ang tiyak na taglay na kahulugan hangga’t hindi naisasama sa isang salitang-ugat.
Morpemang Panlapi Kahulugan Salitang-ugat Bagong Morpema Ma- Pagkakaroon ng katangiang taglay ng salitang ugat Bait Mabait Um- Pagganap sa kilos Awit Umawit -an Lugar na pinaglalagyan Aklat Aklatan Ma- Nagsasaad ng pagkakaroon Pera mapera
Morpemang Leksikal – may tiyak na kahulugan at kabilang dito ang mga pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri at pang- abay. Morpemang Pangkayarian – walang tiyak na kahulugan at kailangang makita sa isang kayarian o konteksto ang mga ito upang magkaroon ng kahulugan. Halimbawa: Naghihintay nang pagkatagal-tagal si Pedro sa kanyang mga kaklase. Ang nang,si,sa at mga ay walang tiyak na kahulugan subalit ito ay nag-uugnay sa mga morpemang leksikal na Pedro, kaklase, naghihintay at pagkatagal-tagal upang magkaroon ng kahulugan ang pangungusap. Naghihintay nang pagkatagal-tagal ang mga kaklase ni Pedro. – Nagbago ang kahulugan ng pangungusap. Sa unang pangungusap, Si pedro ang naperwisyo samantalang sa pangalawang pangungusap, ang kanyang mga kaklase ang naperwisyo.
Pagbabagong Morpoponemiko – Ito ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng katabing ponemang (panlapi). Ang mga nakaiimpluwensyang ponema ay maaring yaong sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito. Halimbawa : [pang-] + paaralan = pampaaralan
Limang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko 1. Asimilasyon 2. Pagpapalit ng Ponema 3. Metatesis 4. Pagkakaltas ng Ponema 5. Paglilipat-diin.
Assimilasyon – Sakop ng uring ito ang ma pagbabaging nagaganap sa /ŋ/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. Uri ng Asimilasyon – Asimilasyong Parsyal o di ganap – pagbabago sa unang morpema Halimbawa hal: pang + bansa = pambansa sing + bait = simbait mang + batas = mambabatas – Asimilasyong Ganap – Pagbabago ng kapwa panlapi at salitang ugat. Hal: mang + tahi = manahi pang + palo = pamalo pang + takot = panakot
Pagpapalit ng Ponema – kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito’y pinapalitan ng ponemang r. hal: ma + damot = maramot ma + dunong = marunong
Metatesis – pagpapalit ng posisiyon ng panlaping /-in / kapag ang kasunod na ponema ay ang mga ponemang (l,y,o) hal: lipadin -nilipad yakapin -niyakap
Paglilipat-diin – kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagbabago kapag ito’y nilalapitan. hal: laro + an = laruan dugo + an = duguan
Pagkakaltas ng Ponema – mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema. hal: takip + an = takpan sara + han = sarhan labahan = labhan dalahin = dalhin
Kayarian ng mga Salita
1. PAYAK – ang salita ay payak kung ito ay salitang- ugat lamang, walang panlapi at walang katambal na ibang salita (Santiago&Tianco) halimabawa: ina bata anak ama kapatid sulat
2. Maylapi -sa pagkakapit ng iba’t ibang uri ng panlapi sa isang salitang-ugat, nakabubuo ng iba’t ibang salita na may kani- kaniyang kahulugan (Ampil,Mendoza & Breva, 2010) – ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi: Unlapi, Gitlapi at Hulapi. Halimbawa: Ma- + tubig matubig (maraming tubig) Pa- + tubig patubig (padaloy ng tubig) Tubig + -an tubigan (lagyan ng tubig) Tubig + -in tubigin (pinarusahn sa tubig) Lakad + -um lumalakad Sagot + -in Sinagot
3. Inuulit -ay maaring ganap, parsyal o magkahalong parsyal at ganap (Ampil, Breva & Mendoza, 2010) -inuulit ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito -may dalawang uri, ang “pag-uulit na Ganap at Di-ganap. a) Pag-uulit na Ganap – inuulit ang salitang-ugat. Halimbawa: taon taon- taon bahay bahay-bahay araw araw-araw.
b) Pag-uulit na Parsyal o Di-ganap – ang isang salita ay nasa pag-uulit na PARSYAL kapag ang bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit. Halimbawa: usok uusok, balita bali-balita, tahimik tahi-tahimik, Kanta kakanta.
c) Magkahalong Parsyal at Ganap – kapag ito ay nilalapian at inuulit nang buo ang salitang-ugat. Halimbawa: Sigla masigla-sigla Saya masaya-saya Matuto matuto-tuto.
4. Tambalan – ang pagbubuo ng salitang-ugat -dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita -may dalawang uri ng tambalan ang tambalang ganap at di-ganap.
a) Tambalang Di-ganap -ang taglay na kahulugan ng bawat dalawang salitang pinagtambal ay hindi mawawala -Tambalang salitang nanatili ang kahulugan Halimbawa: asal-hayop, kulay-dugo, bahay-ampunan, pamatid-uhaw.
b) Tambalang Ganap – ang dalawang salitang pinagtambal ay nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama. -Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan. Halimbawa: bahaghari, hampaslupa, dalagambukid, anakpawis.
Bahagi ng Pananalita
1. Mga Salitang Pangnilalaman ( Content Words)
a. Mga Nominal § Pangngalan § Panghalip
b. Pandiwa
c. Mga Panuring § Mga pang-uri § Pang-abay
2. Mga Salitang Pangkayarian ( Function Words)
a. Mga Pang-ugnay » Pangatnig » Pang-angkop » Pang-ukol
b. Mga Pananda » Pantukoy » Pangawing na ‘ay’
MGA SALITANG PANGNILALAMAN
1. PANGNGALAN • ito ay pasalitang simbolong ang tinutukoy ay ngalan ng hayop, bagay, pook, at pangyayari. Dalawang Klasipikasyon Ng Pangngalan 1 Batay sa kung ang pangngalan ay may diwang panlahat o hindi panlahat. 2. Batay sa kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isang bagay na tahas o hindi tahas.
Pantangi – tumutukoy sa isang tanging tao, hayop, bagay, pook at pangyayari. Halimbawa 1.Pangngalang Tanging Ngalan ng Tao Pedrito Melissa Marilou Rita 2. Pangngalang Tanging Ngalan ng Hayop Brownie Pinky Blacky Spot 3.Pangngalang Tanging Ngalan ng Bagay Mongol Magasing liwayway Bic Ballpen
4. Pangngalang Tanging Ngalan ng Pook Bundok Apo Talon Maria Cristina Davao City 5. Pangngalang Tanging Ngalan ng Panyayari Paligsahan ng Bb. Pilipinas Buwan Ng Wika
Pambalana • -tumutukoy sa pangkalahatang diwa ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari.Halimbawa: 1.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Tao bata guro lalaki abogado 2.Pangngalang Pangkalahatang ngalan ng Hayop: aso, baka, pusa, kalabaw 3. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Bagay: laptop, radio, bahay, relo.4. Pangngalang pangkalahatang ngalan ng Pook: ilog, bulubundukin, kapatagan 5. Pangngalang Pangkalahatang Ngalan ng Pangyayari: sayawan, gulo, banggan, digmaan.
Tahas -tumutukoy sa bagay na materyal Dalawang Uri: 1. palansak- tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay. Halimbawa: buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkal. Di-palansak -tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang ng isa-isa. Halimbawa: saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manok. Di-tahas o basal -basal ang pangngalan kung ang tinutukoy ay hindi materyal kundi diwa o kaisipan. Halimbawa: Buti ganda sama bait pag-asa kaligayahan
Kasarian ng Pangngalan • Panlalaki – Bicolano, lolo, bayaw, G. Cruz • Pambabae – Ilokana, Ilongga, ate, inday, Gng. Chan • Di-tiyak – guro, bata, anak, nars • Walang Kasarian – bundok, ilog, halaman, buwan
2. PANGHALIP -ito ay salitang panghalili sa ngalan ng tao. Halimbawa: Si Manuel L. Quezon ang kinilalang “Ama ng Wikang Pambansa”. Siya ang kin.ilalang”Ama ng Wikang Pambansa”.
Tatlong panauhan: 1. Unang Panauhan -tumutukoy sa taong nagsasalita (ako,ko,kami,tayo)
2. Ikalawang panauhan -tumutukoy sa taong kausap sa pangungusap. (ikaw,ka,kayo,inyo,inyo)
3. Ikatlong panauhan -inihalili sa taong tinutukoy sa pangungusap. (siya,sila,nila,kanya,kanila)
Sintaksis (Palaugnayan)
Ang sintaksis ay tumutukoy sa pag-aaral ng pagbubuo ng mga pamgumgusap. Ito rin ang pag-uugnay-ugnay ng mga salita at pagsasama-sama nito para sa pagbuo ng mga pangungusap.
Pangungusap – ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
Mga Bahagi ng Pangungusap
Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.
Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno.
Halimbawa: Siya ay maganda.
Siya – simuno
maganda – panaguri
Uri ng pangungusap ayon sa gamit
1. Pasalaysay (Declarative sentence) – o ang tinatawag din na paturol. Ito ay pangungusap na nagsasalaysay at nagtatapos sa isang tuldok (.).
2. Patanong (Interrogative sentence) – ito ay pangungusap na nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
3. Pautos (Imperative sentence) – kung ang pangungusap ay nag-uutos at Pakiusap naman kung ito ay nakikiusap. Parating may kasamang mga salitang paki o kung maaari ang nakikiusap na pangungusap. Parehong nagtatapos sa tuldok ang pautos at pakiusap (.).
4. Padamdam (Exclamatory sentence) – ito ay pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Mga Kayarian ng Pangungusap
Payak – ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa.
Tambalan – Ito ay binubuo ng dalawang payak na pangungusap
Hugnayan – Ito ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Langkapan – Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa.
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap
– Payak na Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa: Si Lorna ay maganda.
– Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
Halimbawa: Si Lorna at Maria ay magaganda.
– Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa: Si Lorna ay mabait at maganda.
– Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
Halimbawa: Si Lorna at Maria ay mababait at magaganda.
– Isang sambita na may patapos na himig sa dulo
Halimbawa: Umuulan! ; Sunog!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento